header image
Categories
Archives
Affiliates
Misc


Certificate of enrollment: Revisited
July 4th, 2008 posted by euphemism under Criticism. [ Comments: none ]

Anu ang certificate of enrollment? Marahil pinapansin lang natin kung anu ang nakasulat sa unang bahagi ng kapirasong papel na ito. Marahil, tama ako sa pagpapalagay kong ito. Siguro nga, hindi napapansin ng mga kapwa ko Adamsonian ang mga bagay na nakasulat sa ibabang parte nito. Siguro natitignan nyo din iyon, siguro kapag malapit na ang bayaran ng tuition para malaman kung magkano ang iyong ibabayad…

Certificate of enrollment: revisited

Basic Parts:

Header - containing ang name ng univesity at logo

Student’s Profile - includes name of student, course, student number, academic year

Schedule - contains section, course code number, subject description, number of units, time, day, at room number

ASSESSMENT/ADDITIONAL FEES - self explanatory???

think twice, fellow adamsonian?

hindi lang UP ang may problema sa pagtaas ng tuition nila ng 300%…ooopsss, i did over exaggerate.

wala naman yatang nakakapansin na may tuition fee increase, hindi ko naman kasi nararamdaman…siguro slowly creeping, but then, alam ko naman na it is worth it, makikita naman sa physical facilities eh…BUT, may mga bagay na tumataas na nakakapag-pantig ng tenga, nakakaloka, nakaka-high-blood, nakakapag-init ng dugo at nakakaasar, mga klasmeyts…

FOLLOW INSTRUCTIONS BELOW AND THINK HARD.

1. Kunin mo ang iyong Certificate of Enrollment. Titigang mabuti. May napansin k ba? Kung meron ano? Malabo ba ang print? ok lang yan…nababasa mo pa ba? pilitin mo, para makita mo ang sinasabi ko sayo. Imulat ng makalawang beses ang mga mata, wag masyado pa-cute ang mag-singkit-singkitan.

2. Ibaba ang tinging sa lower part ng Certificate of Enrollment. Nakita mo na ba? may dalawang column dun - ASSESSMENT OF FEES ung isa, tapos meron ding ADDITIONAL FEES

3. Disect mo ang nilalaman nun. Try nating paganahin ang pagiging biologist natin at mag-disect tulad ng ginawa natin sa palaka nung kabataan natin. hahaha…

GAME?

Unit LECTURE FEE - ok pa naman yan, klasmeyt. worth it pa naman yung binabayad natin dyan. May natututunan ka pa naman siguro sa mga profs mo? May naa-absorb ka naman? OK pa yan, it’s really worth it. Wala akong reklamo sa lecture fee, wak ka na reklamo. oki?

UNIT LABORATORY FEE - mahal ito talaga! mahal kasi mga gamit sa laboratory, kaya minsan lang gamitin. kaya ayon, minsan, naluma ng di man lang masyado nagamit. overprotected kasi. pero di ko naman pedeng i-blame yung mga may responsibility dun, kasi may mga klasmeyt naman tayong pasaway in nature.

ATHLETIC - akala ko noon, kapag may PE ka, mayroon talaga Athletic Fee. Ngayon ko lang nalaman, napamahal sakin at sa aking certificate of Enrollment yan. Hindi nyo ako masisisi kasi naman, hindi naman tayo masyado nananalo sa UAAP. Volleyball lang yata tayo magaling. Ewan ko, kayo ang mag-judge, klasmeyt.

AUPA - ano yung AUPA? Adamson University Parents’ Association? Meron pala nun? Parang wala ata invitation mga parents ng regular or under priviledged students? Kung parents association nga yung AUPA…help! ano ba talaga yung AUPA?

ENERGY COST, AIRCON CLASSROOM - klasmeyt, hindi natin pag-aari ang MERALCO, intindihin natin na talagang mahal ang kuryente sa panahon ngayon, wala naman sigurong system’s loss sa tuition natin pagdating sa aspetong ito. Dito lang ha…ansarap nga sa rooms eh, AIRCON. Sana i-centralized na ang buong Adamson. Dreaming big lang po!

GUIDANCE - owwssss? Meron palang guidance, usually kapag first year ka lang at graduating mo magagamit yan.

LABORATORY USAGE FEE - ano kaibahan nito sa UNIT LABORATORY FEE? Mahal na kaya ung unit laboratory fee, tapos mayroon pang laboratory usage fee? what’s the sense? Needs more explanation.

LIBRARY - Silence please. Not all the time dapat silent ka, yan ang tinuro sa akin ng Library. University na ang Adamson, hindi High School…siguro naman, alam nila ang bilang ng estudyante, aba, daig pa ang public school…agawan sa books dahil limited at minsan ancient o antique na yung books. tapos parang yearly taas ng taas ang fee. yun lang?

MEDICAL and DENTAL - paracetamol lang yata meron sa clinic..YATA is used in the sentence ha. Dental? Sinong dentist? Sino doctor? Ano naibibigay na service ng clinic sa students. pupuntahan lang ang clinic kapag may nararamdamang masama ang student, DAPAT, sila ang mag-reach out, hindi students. kaya madalas question yung fee na sinisingil para i-allot sa budget nila eh…wala man lang Health Week, Health Month, Nutrition Month, Wellness Campaign, etc., yung mga ganung bagay na mapro-promote sila. atleast nakita ng students yung pera nila is worth it.

REGISTRATION - para sa ID yata ito, in short kapag di ka enrolled, da gagana ID mo, susungitan ka na ng guard…hahahahaha…mahal pa din ang registration, eh hindi naman napapalitan yung ID mo, bagets ka forever sa picture mo sa ID…hahahaha…seriously, dapat SIGURO babaan ito, kasi hindi naman pinapalitan ang ID namin eh, kung pinapalitan yearly, ok lang, kahit taasan niyo pa, basta makita yung worth nung binayad mo

AUSG/RSO - member ka ng org di ba? ok lang yan…pero lately nagpalit na yata ng system sa AUSG, nawalan ng botohan this school year, saan na yung RIGHT OF SUFFRAGE ng students?

CHRONICLE - go chronicle! ang ganda kaya ng paper na ito, glossy pa ung cover, colored, maraming laman, worth Php 20.00, solve na yun! wag ka na bumili ng FHM, Maxim, etc., wala kwenta yun, dito ka na sa Chronicle! hahaha, dapat yata bayaran ako ng Chronicle, libreng advertisement ito ah…joke

THIS YEAR’S ADDITIONAL FEES:

MAILING FEE - Php 50.00 - mailing? liham? sulat? in this age of modern technology, magpapadala sila ng sulat sa bahay mo? Php 50.00? bakit? ano ito?

TEST PAPERS - Php 200.00 - ang mahal na test papers ha, lahat ba ng klase ng test kasama dito, baka naman kapag nagrequest ang professor ng ipa-photocopy ang test nya, eh sangkaterbang fill-up ng form dito, process ng paper dyan ang mangyari, malamang ang bagsak nyan sisingilin na lang nya students…ano silbi nyan? basta prof, libre sa photocopy centers sa Adamson? ganon? mahal mag-test sa Adamson ah, dapat nga provided nyo na yan kasi educational institution ang Adamson eh, di ba? or dapat kasama na sa bayad sa Unit Lecture fee, kasi part naman sya nun di ba? Sino nagpauso nito? Needs more explanation.

CULTURAL FEE - Php 400.00 - Magdadala ba ng Aeta o Igorot sa Adamson at magsasayaw sila sa mga rooms? HIndi ko maintindihan, cultural cultural pa, naku-CULTURE SHOCK KAMING STUDENTS sa cultural fee. BIgla-bigla na lang sulpot eh, sana i-advertise man lang dun sa mga TV at kiosk kung magdadagdag sila ng bagong fee tulad nito. Sino may pakana nito? Need More Explanation.

Wala naman akong nasi patamaan sa administration. Nagtatanong lang po?

THanks, just suggesting for better dissemination of information na kailangan, more than that, KARAPATAN NG MGA STUDENTS.

euphemism has blogged 1 posts


qwertyuiop
What a shame…
April 22nd, 2008 posted by qwertyuiop under News, Criticism. [ Comments: 1 ]

Warning: über-sensitive video

Not so long ago, Filipino professionals on the field of medicine batted their eyelashes and vented out resentful sentiments because of a discriminatory slur labeled upon them by an American TV series. The said show quoted how vulgarly tacky and unprofessional Filipino medical practitioners were. It was ensued by a massive protest of Filipinos who wanted to exterminate the indelible stigma laid on our Filipino doctors, nurses and the like. Now, the notion of some foreign countries seem incorrigible as we blatantly proved that they are right.

A sickening and nauseating video about a patient who had a black suede spray paint inserted on his rectum was proliferating fast on the net, garnering different views and opinions, here and abroad. The incognito patient was infuriated because of the breach of privacy and the inhumane treatment, and he badly recalls how these people mocked him and videoed the removal of the canister in his rectum (hey, does this man know the purpose of his butthole?) while giggling in ineffable joy, as if he’s an experimental guinea pig. The inviolable Hippocratic Oath will turn impertinent and of no use if this kind of ill-bred doctors were still on the loose, causing abhorrent professional defamation and social disgrace. I’m not totally being one-sided here, but the video narrates it all. and the impact will have its way to ricochet on all of us. The shame is inescapable.

Below is the full uncensored version:

Tags: , , ,

qwertyuiop has blogged 1 posts



ST gate guards
February 21st, 2008 posted by aeyrhonne under Uncategorized, Campus Issues, Criticism. [ Comments: 4 ]

[This text has been cleaned for the meantime, but a friendly warning to author: please read the Blogging Guidelines]

There was this incident na ung friend ko, hindi pinapasok ng guard sa ST gate (matangkad) dahil naka-tattered pants daw siya. The pants was not actually tattered but it was considered such according to the head of guards. The question is, how do they define “tattered?” This friend of mine was really asking almost all the guards on duty at that time, but none of them could answer… Nanghaharang pero nagtuturuan kung anong violation ang ngawa… ANG GULO DIBA!

And also, sinabihan ng isang guard yung isang friend ko na magpalit ng damit, e hindi naman kita ang kaluluwa eh sabi magpalit daw! My friend begged the guards to let her enter the campus because we had to take an exam, but hindi pa rin nila sya pinapasok. Wala talgang proper implementation ng rules (at my hawak silang student manual ha!) and they dont inform us students about the extent of these rules.

Goodluck sa inyong lahat.. Buti may mga natitira pang guards na matino.. (ung makulit sa my ped xing- “Tawid na po tau!” ehehe.) ayusin nyo buhay nyo kasi nalilito kameng mga “obeyers” naman kahit papano ng rules… Okies?

Tags: , ,

aeyrhonne has blogged 1 posts



Hinggil sa bagong “the Adamson Chronicle” bilang publikasyon ng admin
February 18th, 2008 posted by read_lapdog_read under Campus Issues, Criticism, Adamson Chronicle. [ Comments: 8 ]

Sa unang dampot mo nito pagpasok pa lang sa gate ng skul, aakalain mo na ito ang dating dyaryo na sumasalamin sa mga isyu sa loob ng skul, ngunit hindi.
Pag sinabing “mga isyu sa loob ng skul”, nag uusap tayo dito ng isyu hinggil:

1. Kalagayan at “struggle” ng mga Adamsonian, …..sa pangkalahatan kalagayan ng Adamsonian bilang parte ng malawak na kabataan/estudyante na pinagsasamantalahan at pinagkakaitan ng mga batayang karapatan ng kasalukuyang rehimen …sa partikular, “struggle” ng isang Adamsonian sa loob ng skul. .. andyan ang “tuition fee increase”, talamak na “campus repression”, matinding kontrol ng OSA sa AUSG, naka-ambang “restructuring” sa AUSG (pakana din ng OSA/ admin syempre), pagkonti ng RSOs dahil sa pabago-bagong guidelines ng OSA. Ilan lamang yan…. kung tatanungin natin ang mga estudyante na nakakasalamuha natin araw-araw sasabihin nilang hindi lamang iyan, ipapartikular pa nila ang mga totoong isyu sa loob ng skul.

2. Kalagayan ng mga empleyado (academic at non-academic) sa loob ng skul, magmula sa mga propesor hanggang sa mga janitor, nararapat lamang na bigyan pansin ang kanilang estado sa loob ng kampus dahil sila din ay nakararanas ng pagsasamantala, at sila ang pangunahing kasalamuha, kasama at katuwang ng isang estudyantye sa loob ng kampus. Tandaan natin na ang CHRON ay naging susing makinarya at gumampan ng mahalagang ganap ng mga matagumpay na laban ng unyon (AUFEA) noong 2001.

Ang mga isyung nabanggit ay kadalasang natatabunan ng mga pabalat na mga isyu tulad ng mga usapin hinggil sa mga nailunsad na “seminars”, “concerts”, mga natamong awards, mga pagpapaganda sa pisikal na anyo ng skul at iba pa.. Hindi ko sinasabing hindi na dapat ipublish ang nga ito, totoo naman na “deserving” ang mga estudyante na malaman ang mga tagumpay na kanilang nakamit, malaman na may bagong “facilities” sa loob ng skul, o malaman na si ganyan ay na-promote na bilang ganito. Ngunit hindi ba mas nararapat na malaman ng estudyante ang totoong mga nangyayari sa loob ng skul, ang CHRON ay dpat magsilibing boses ng estudyante at salamin ng mga pakikibaka ng isang estudyante… ng isang Adamsonian.

…Nasa inyo (bagong CHRON), bilang mga manunulat na nagsisimula pa lamang, ang lahat ng panahon upang patunayan na tunay na “student publication” ang aming mababasa at hindi isa na namang publikasyon ng admin (tulad ng Ugnayan, at Adamson News). Hindi “deserving” ang mga estudyante sa isang publikasyon ng admin na nagkukubli lamang sa katawagang “official student publication.” Magsilbi sana itong hamon sa inyo na magsulat para sa masang estudyante.

Tags: , ,

read_lapdog_read has blogged 1 posts



Is PBB a real social hit that it should be featured?
February 13th, 2008 posted by tikgirl under Campus Issues, Criticism, Adamson Chronicle. [ Comments: 63 ]

My God. I have been nosing the maiden issue of the “new” and “improved” Adamson Chronicle. What can i say? Hmm..

Nice, colored pages. halatang pinagkagastusan.

I didn’t like the editorial. I mean it. It’s quite degrading, like, if they (Admin) do not want to have their names insulted on the paper (or give the students a piece of the reality around the campus), why would they write out a “pending” case?

Di ba pwedeng kasuhan yun, kahit walang mentioned name?

Whoever wrote that should have sought the sides of the two opposing teams first. So and so. Even if it is an editorial, right?

Erratum: FYI, my dear newest editors, the only ones who joined the seminar on soc sci are economics stu(pi)dents, and that didn’t include the political science stu(pi)dents.

***

Alam nyo ba, nung nakita ko yung maiden issue, nalala ko yung “Kornikel”. Kasi ganun kaganda yung texture at kulay ng diyaryo e. Does that allude that the new issue is a joke? ha-ha.

***

And then, I was so sorry I read the features article. OH MY GOODNESS! PBB lang ba ang pwedeng gawing entertainment review sa BUONG pilipinas? Buti ba kung may Adamsonian na kasali sa PBB edition na yan, permissible pa sigurong ilagay yun. Anu yun, wala na kayong maisulat kaya PBB na lang ang fineature nyo? Akala ko ba madaming “personalities” (e.g. mga pari) sa Adamson? Although PBB is a sensation around the Philippine mass television, hindi tabloid ang pahayagan ng Adamson. Diyaryo iyong paukol sa Adamson; Interesting ang PBB (yuck) okay, pero have we had enough of that sa daily newspapers??

***

When I was trying to look for some people in the ST quad, I heard stu(pi)dents talking about the new issue (no kidding, I stopped dead on my tracks nga e). One of them said:

“Anung meron sa PBB, eh?”

“I’m not interested anymore”

“Bakit walang ugnayan?” (This i really laughed)

“Parang Adamson News na nilagay sa diyaryo.”

So and so.

***

I’m not trying to be a floozy, or killing the happiness of the new ed board. But, I just want to ask, ito ba yung natutunan sa seminar sa Bagiuo? Kung hindi ko nakita yung artikel about the Adamsonian.com, hindi ako maniniwala na serious yung diyaryo eh.

At saka, look at the layout of the photos, man. Official newspaper yan, formal, at hindi picture collage.

***

Hindi ko ito isinulat o inihayag dahil bitter ako. Pero kung pagbabasehan sa natutunan ko sa kakarampot na oras na naibahagi ng (original) Adamson Chronicle sa akin, I say na, may pagka-”unethical” yung issue. Isa itong feedback, I don’t just trash talk if I don’t see something I like.

Formalities, at hindi issue sa PBB. Bakit, PBB lang ba ang boses na kayang ihayag o kayang i-review ng mga Adamsonian?

Ooooh lala.

Tags: , ,

tikgirl has blogged 12 posts



Real world: level one
December 19th, 2007 posted by Shekhinah under Campus Issues, Criticism. [ Comments: 1 ]

Di ba maangas kapag narerecord mo ang bawat segundo ng buhay mo? Wala lang. Para mapagtawanan mo ang mga nakakahiyang sandali at pag-aralan kung saan ka ba nagkamali. O kaya kilalanin ng mabuti ang pagmumuka ng mga taong nakikiukit ng iyong pagkatao sa pamamaraang hindi naman masyadong nakakakiliti? Ewan.

Fourth year. Ngayon, andito na ko sa puntong malumanay kong hinahakbang ang unang pagtapak ko sa loob ng real world. Dala ko ang aking bag na walang ibang laman kundi ang pag-asang pag labas ko ng unibersidad, makakapagsulat ako sa pinakapinagkakatiwalaang pahayagan sa buong Pilipinas o makakapagtrabaho ako sa isang magandang kumpanya na may sweldong masasabi kong katapat ng mga unong nakukuha ko. Tinatanaw ko sa dulo ng aking kamalayan na pagkalipas ng apat na buwan, magiging manunulat ako at mababago ko ang lipunan gamit ang mga ideyalismong natutunan ko sa loob ng Adamson. Kasama ang mga kaibigan ko, hahabi kami ng isang kwento na isasa-pelikula at ito ang gigising sa dugo ng mga tamad na kabataang Pilipino nang sila’y ganahan sa kanilang pakikipagsapalaran sa ngalan ng diploma at karunungan. Oo, pangarap at optimism. Ano bang inaasahan mo sa isang estudyanteng malapit ng makatapos? Uy, assuming!

Anim na buwan na ang nakalipas, sinimulan kong kumatok samala-gintong pintuan ng real world. Sa ibaba ng pintuan, may kulay pink na welcome mat. May apat na pulang ribbon tas may smiley pa. Naks. Napangiti ako. Binuksan ko ang pinto at sumilip sandali. Umasa akong may babati sa akin ng “Magandang Umaga!” o kaya magsasabi na tumuloy ako sabay aabutan ako ng kape. Pag-asa na nga lang siguro dahil sa unang pagsilip ko tumambang sa akin ang isang napakalaking sign board na nagsasabing: “GAWIN MO ANG DAPAT MONG GAWIN AT BILISAN MO!” Walang welcome party, walang banner ng pangalan ko, wala ring getting to know each other. Parang pumasok ka lang sa silid-aralan para ipagyabang ang bago mong uniform, bag, lapis, papel at may baon ka pang Zesto at Happy house tas ang sasambulat sa’yo ay ang teacher mong nagsusulat ng math problems sa pisara habang ang mga kaklase mo ay nangungulot ang mga noo sa pagsagot. Ni wala silang panahon tumigil at tumingin sa direksyon mo. Posibleng may lumapit sayo pero hindi para gabayan ka papunta sa iyong upuan kundi para asarin ka dahil baliktad ang pagkakasuot mo ng sapatos mo. Minsan, yung teacher mo pa mismo ang gagawa nun. Tas pagtatawanan ka ng buong klase. Mga five minutes. Tas wala na ulit silang pakialam sayo. Oo, parang coming of age na pelikula sabay anti-climactic. Hindi ka uuwing luhaan. Hindi ka uuwing nakatawa. Uuwi kang tulala. Matutulog tas mangangarap ulit.

Totoong importante ang oras, bawat segundo ay katumbas ng ginto na pinaghihirapan mo upang manatiling nakatayo. Simula pa lang, isang napakahaba ng karera ang tingin ko sa buhay. Akala ko nun, yung mga kasabay mo lang ang may kakayahang pumatid sayo. Sa unang pagsilip ko sa real world, nalaman ko na ang mga nakarating sa finish line at pabalik na ay may kapangyarihan ding gambalahin ang karerang gustong-gusto mong ipanalo. Ngayon, natutunan ko na ang “pinball” ay isa sa mga bagay na dapat kinakalimutan sa sandaling maramdaman na ng anino mo ang latay ng mga bihasa na sa real world. Mababaw lang ang pinball pero walang puwang ang kababawan sa sinasabi kong mundo. Sa real world, matututunan mong isang malaking pang-uuto ang lahat ng natutunan mo sa mundong kunwari ay naghubog sayo. Kasi dito, hindi importante kung 1.2 ka sa editorial and column writing o kung aspiring writer ka pero naka-take two ka ng world lit- hindi sila interesado sa kasaysayan ng TCG mo. Sa totoo lang, wala silang pakialam sa buong kasaysayan ng pagkatao mo. Parang back to zero ang lahat dahil sa sandaling kumatok ka sa pintuan ng mundong ito, garantisadong hindi ka kaagad nakatayo. Gumagapang kang sasalubungin ang mga mapang-mata na magpapamuka sayo na ang pagsasalita ng banyaga ang magsasabi kung maituturing ka bang diyosa.

Hindi ko alam kung gano katagal ang paggapang ko, pero alam kong hindi uso ang kaibigan sa mundong ito. Walang lalapit sayo para itayo ka. Kawawa ka lang kung hindi mo babaguhin ang mga pananaw mo. Kung sa simula pa lang susuko ka, pangarapin mo na lang na maging contestant sa Wowowee. Hindi ko din alam kung may hagdan bang dapat akyatin para
tingalain ka ng marami. Bahala na. Kung sampung taon pa ko dapat gumapang, walang problema. Isa lang ang panghahawakan ko, mabilis akong matuto. Hindi ako mababawasan sa lahat ng maririnig ko, gano man kalalim ang pagkakabaon nito sa akin. Hindi ako mababawasan, madadagdagan ako. Sana lahat ng fresh graduates ay matutong magsimula sa ibaba ng may bukas na isipan at disiplina sa sarili.

Gusto ko sanang ipakita sa’yo yung nasilip ko sa real world pero mashadong naging mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na-record. Na-kwento ko naman di ba?! Kung gusto mo, sabay tayong kumatok. Hawakan mo ang kamay ko at hahawakan ko ang kamay mo. Magtawanan tayo. Lubus-lubusin natin ang natitirang sandali na magpakalunod sa lambot ng mga pinapangarap nating ulap. Tutal, fresh grad naman tayo. Pero sa oras na bumukas ang pinto at naiapak na natin ang ating unang hakbang, talo-talo na ha?

Reference:
OJT sa 96.3 WRocK, Philippine Daily Inquirer at One Media, Inc.

Shekhinah has blogged 1 posts


 


Subscribe
Contact Us
Send your tips, comments, suggestions to: magnus@adamsonian.com
Donate to Adamsonian
Feel free to donate any amount so we can buy a 150cc all-terrain vehicle and a Boyoyong clown that we can use to promote this site around campus.
Live Chat
Latest Message 5 days, 3 hours
  • stiban_graffiti : Sino ba yang ADMI na iyan? Kung estudyante ka, alam mo ba na mas masahol ka pa sa mga Makapili. or Kung admin ka man, nakakatawa ka. Nawalan tuloy ako ng ganang umebs.
  • admi : kasi kung sana nag complaint ka ng harapan hindi sa ganitong paraan para hindi na naman naghahasik ng magic at lagim si astorga. History is repeating again and again
  • eCe_spy : hahaha di naman admi hitting below the belt lang.. thats why..
  • admi : nagsusumbong ka ece_spy, hahaha
  • eCe_spy : Naming names? How come.. Tsktsk sir JB cud you please clean this mess..
  • Rastafariana : Anybody home?
  • schrondingeristhec : HUH?
  • admi : ece_spy is fcc
  • invaderzim : si captain america ba yun?
  • invaderzim : hahahahha...
  • admi : kaya si ece_spy hulugan muna
  • invaderzim : wow!nireveal na yung ibang superheroes!
  • admi : onlooker si Mr. joshua Tadena
  • admi : sigbin is Mr. Allan Camacho
  • admi : ece_boses is Mr. Ralph Corsiga
  • rowie0123 : ano ba itsura ng unoform ng it sa school natin ? 1st year ako sa pasukan .. ndi pa nabibigay uniform ko .. huhuh' di ko din alam kung anung itsura ng uniform na bibilhin ko ..
  • rnarcise : panu ba ma view ung blog... i'm just intrigued..kaso na blocked na ata ung post
  • macintyre13 : hello dyan
  • batongbuhay : panu b mgpost d2?
  • domeepogee : panu ba maglog-out dito? panu ba icancel yung registration ko?
  • invaderzim : hello din sayu hija
  • shirohana : hello po
  • KoKaK : nga pla,,,pag naiwan nu id nu kuha lng ako ng affidavit of loss kesa violation slip,,,gud 4 one day n un-disposable
  • KoKaK : jhopet kilala m c ece.boldstar?...mmmmmmm
  • KoKaK : anu bang password ang hinahanap pag view nun blog?...d ko n ma-access ei nakiki-internet lng aku
  • KoKaK : kaw ece k din man db?.....klala ko n c superklasse at c exe spy
  • KoKaK : uu bakit?
  • KoKaK : pooch! nabababoy n ang site...nagiging online n TIKTIK at BOMBA n ang mga nakapost. Mag journaism alang ka sila?...aahahahaha
  • jhopet : ece k ba kokak??
  • jhopet : panu mu nalaman kokak??
  • KoKaK : kilala n nila ang katauan ko...waahahahah
  • KoKaK : anu latest?
  • LAGOTka : please
  • LAGOTka : ece_spy
  • LAGOTka : ece stud aq.. and gs2 q mabasa un..
  • LAGOTka : please
  • LAGOTka : This post is password protected. To view it please enter your password below. --> YOUR??? e bakit nung inenter q na ayaw pa din..
  • LAGOTka : eCe_spy.. please
  • LAGOTka : ung password penege naman
  • LAGOTka : bakit di ko maview ung THE PROFESSOR's MAGIC.. help please
  • handsome_gniw : penge naman ng password sa "the professors magic"
  • sygryd : to eCe_spy..ece din ako.naiintriga ako sa post mo(The professor's magic)..parang kilala ko yun..
  • invaderzim : ngayon hinahanapan sya ng guard ng identification or whatso ever(hahah,hello? nasunugan nga?)ayaw tlga xang papasukin ng guard.tae talga nalulungkot ako dhil sa ganun magisip yung,sobrang sumusunod xa sa rule na parang hndi na nya ginagamit ang isip nya.iniinsist paren nya yung identification or any credentials,at wla talgang maipkita ang kawawang studnt.haaayyy..kakalungkot
  • invaderzim : hahah oo,tlgang hndi mo rin maiwasan yung mga stupid moments with the guards. maikwento ko lang.once naiwan ko ang i.d ko.so wla akong choice kundi kumuha ng violation slip.tas may nakasabay akong stud. (nakacvilian,during uniform days) balak nyang magp-asa ng letter to excuse/inform the school bout sa gagwin nyang absences,dahil sa natupok ng apoy ang bahay nila(daw)so wla xang ibang dala kundi kapirasong papel
  • asia : you wudn't beieve me, nahihirapan aq pumasok sa gate dhil sa mga bwct na guard na yan. once i am inside the campus, ndi na aq pwd lumabas unless uuwi na aq. otherwise, habulan ulit kmi ng guard coz of my dress code... arte..
  • asia : hahaha... ganyan din ang feeling q nun. after my formal exit, and after years passed by... i found out that i am starting to miss adamson
  • asia : to: invaderzim
  • invaderzim : kamuzta ang adu?ayun.bawal ang cd players pero pwede ang mp3 players.bawal ang camera at video cam pero pwede ang mga mobilefone na may ganun.naka wi-fi na ang ST quad pero kelangn mo paring ikuha ng permit ang laptop mo.nakkabadtrip paren madalas ang mga guard.at higit sa lahat andum paren yung mga punggok na poste sa st gate na wala namng silbe.
  • asia : hay... kakamizz ang adamson
  • asia : musta na ang adamson?

Please log in to chat

Most Commented Posts
Community
Recent Posts
Recent Commentors
Members
    728 registered users
    205 online guests
Slashdot Headlines