|
Ang buong Adamson Chronicle editorial board ay nagalak sa aming unang labas na isyu, bagamat hindi maiwasang magkaroon ng mga kamaliang hindi naming inaasahan. Hindi naging maganda ang mga litrato lalo na sa loob na pahina dahil ito ay masyadong dumilim. Nahirapan kaming kumuha ng mga litrato at karamihan pa yun ay kuha sa aking personal na camera. Sinabi ng mga marurunong, baka ang problema ay sa nag-imprenta o ang gamit na papel. Maraming beses namin itong pinrint sa A3, ngunit wala naman na ganung problema. Hindi nakapaglabas ng “test copy”, kaya sa susunod, pipilitin naming makita kung anong kakalabasan bago pa man ito ipamahagi sa buong unibersidad. Tao rin kami at nagkakamali, hindi gaya ni tikgirl.
Makikita sa aming mga pahina ang pinagsanib na lakas naming sasampung estudyante (Ilan ba ang miyembro ng lumang TAC? Sumahin niyo nga ang mga ulong nagtatrabaho dati batay sa kanilang produksyon, sabay tignan ang iilang ulong taong gumagawa ng trabaho ng pang-maramihang tao ngayon), at hindi madali sa amin ang makakakuha ng impormasyon para sa aming mga sulatin. May mga iba pa kaming gustong ipanayam ngunit ang iba nama’y ayaw magsalita o ayaw magpasulat. Naiintindihan namin yun dahil mayroon silang karapatan dahil tao rin naman sila, at mas matatanda pa. Pero ang mahalaga, ang mga importanteng mga balita ay nailagay namin sa papel na dapat malaman ng mga etudyante, at sadyang pinagkakaguluhan sa bawat pasukan ng eskwela. Masaya rin ako dahil mas maraming natuwa kaysa sa mga perpektong taong mga walang pagkakamali na nagtaas ng kilay sa aming nagawa.
Kung babalikan na naman natin ang issue na TFI, parang walang nabago sa lumang Chronicle. Hindi na namin bubulatlatin isa-isa ang bawat sentimong nadadagdag dahil mas marami naman kaming maisusulat dahil sa pagmamatyag namin sa mga pangyayari sa paaralan. Hindi lang kami nagkukulong sa SV Penthouse at naghihintay ng maliit na butas na papalakihin, o sisibakin sa veranda. Tanggap naming lahat naman ng presyo ng bilihin tumataas, si Dagul lang ang hindi.
Hindi kami mga tuta ng administrasyon. Oo nga’t nakakasalamuha namin ang matataas na mga tao sa unibersidad, pero wala kaming nakukuhang pabor sa kanila. Mabuti pa ang sinaunang Chronicle, nasa kamay ninyo ang pera na binabayad ng mga mag-aaral. Malaya kayong gawin ang kahit ano sa opisina, kahit magpakain kayo ng buong sambayanan galing sa ref (Aba’y may dish organizer pa. LOL!), o magkainan sa dilim. Sa tuwing ako’y may kailangan akong panooring laro, sariling pera ko ang pinangpapasahe at pinangbabayad ko. Nung wala pa kaming kagamitan, ang computer ko ang ginagamit ko sa bahay pati ang mumurahing camera ako pang-kuha ng litrato. Nagbabayad kami ng sarili naming tuition fee, hindi gaya ng mga naunang Chronicle editorial boards. Naisip ko nga, mas mabuti pa ang magiging estado ng pamumuhay ko kung sumama na lang ako sa nagtatambol bawat laro, kaysa magpakapagod manood, magsulat, at maglitrato ng sabay-sabay na wala namang kapalit kundi pera at oras na sinasayang.
Tungkol sa layouting, kelangan naming sumunod sa kung anong software komportable ang mag-iimprenta. Binawi na lang namin yun sa dami ng nilalaman. Teka, di ba may Chronicle issue nasa likod ang Editorial page? Sinong may mas matinding pagkakamali, kami o sila?
Ang editorial ay naglalaman ng sariling opinyon ng mga aking ka-trabaho. Nakakahiyang sabihin, pero nasiwalat na ang baho ng lumang Chronicle. Bakit pa kailangan ng pruweba? E yung magandang camera nga ng Chronicle dati hindi na makita. Kailangan na kasi naming gamitin kaya kung hindi “nagnakaw” ang Chronicle dati, sana “isauli” niyo na dahil hindi naman inyo yan.
Hindi namin kasalanan ang Pinoy Big Brother article na yan. Lalong hindi namin kasalanan kung That’s Entertainment at Buddy and Sol pa rin ang gusto niyong panoorin. Hindi rin namin kasalanan kung mas masaya kayo gawaan ng review ang Wowowee (at sumasayaw kayo sa tuwing itutugtog ang “Sayaw Darling”) o Eat Bulaga (na may hindi mamatay-matay na mga matatandang corny na hosts). Ang Pinoy Big Brother ay isang produkto ng ebolusyon sa telebisyon, kung hindi ka nanonood nun, you’re so 1900’s pare. At sa darating na PBB: Teen Edition 2, mayroon ng nakapasok na Adamsonian. Inggit lang ang iba dahil ni sa eskwela natin, hindi sila sikat. Kaya inaantabayanan na lang nila ang kahindik hindik (pordyosanto) na kabanata ng Joachin Bordado.
Mabuti at hindi niyo tinira ang sports pages ko. Hindi ko nagawang mapaganda ang section ko dahil nalimitahan ako sa dami ng pahina, kaya hindi ako sinipag magsulat ng makabuluhang mga balita na gusto ko pa sana isulat. Hindi rin ako nakakuha ng magandang litrato para mapaganda pa lalo ito. Hindi nila mapuna puna ang pahina ko dahil alam nilang hindi karaniwang tao ang nakakagawa ng ganito.
Ang mensahe ko sa lahat ng mga estudyante na hindi mapirmi sa upuan kakabasa ng bagong Adamson Chronicle, sana tinanggap ninyo ang hamon ng OSA dati na buksan ang Chronicle at hindi kayo mamuna at magdadada ng kung ano-ano. Marami ang naghangad mapabilang, pero iilan lang kami ang natanggap dahil sa masinsinang pagpili ng mga marurunong (not necessary mga ubod ng galing). Kung sa tingin niyong mas magaling kayo sa amin, alam niyo kung saan ang opisina namin at gumawa kayo ng sulating magpapabilib sa amin.
Sa mga minamahal kong mga alumni, sana maintindhan ninyo na kami ay nagsisimula pa lamang. Kami ay mga estudyante rin, at binabalanse lamang namin ang natitirang oras namin sa pagsusulat. Hindi kami full-time reporters, at lalong wala kaming compensation. Pawis at dugo ang tumutulo sa amin para lang mabuhay at maibigay sa abot ng aming makakaya ang papel na minsan ng namatay.
BABALA: Ako’y kakagaling lang sa isang munting salo-salo ng aming magkakaibigan nung hayskul, malungkot sa aking personal na buhay, at nagpapakasaya sa usok at alak na hindi ko naman madalas ginagawa. Oo, lasing ako at wala sa sarili kaya gusto kong sagutin ang mga patutsada, kahit ayoko. Kaya sana’y mabatid ninyo kung may nasabi akong makakasakit sa inyo. Kung me problema kayo sa akin, hanapin niyo ako at magbasagan na lang tayo ng bungo sa harap ng San Marcelino. Hindi niyo ako kilala at ano ang abilidad ko kaya sana ayusin niyo ang buhay niyo. Kung gaano kayo kagaling magsulat, sana ganun rin kagaling mga kamao at ganun rin katigas mga panga niyo.
Tags: Adamson+Chronicle, Adamsonian, Adamson+University
THE ONLOOKER has blogged 1
posts
|