header image
Categories
Archives
Affiliates
Misc


Real world: level one
December 19th, 2007 posted by Shekhinah under Campus Issues, Criticism. [ Comments: 1 ]

Di ba maangas kapag narerecord mo ang bawat segundo ng buhay mo? Wala lang. Para mapagtawanan mo ang mga nakakahiyang sandali at pag-aralan kung saan ka ba nagkamali. O kaya kilalanin ng mabuti ang pagmumuka ng mga taong nakikiukit ng iyong pagkatao sa pamamaraang hindi naman masyadong nakakakiliti? Ewan.

Fourth year. Ngayon, andito na ko sa puntong malumanay kong hinahakbang ang unang pagtapak ko sa loob ng real world. Dala ko ang aking bag na walang ibang laman kundi ang pag-asang pag labas ko ng unibersidad, makakapagsulat ako sa pinakapinagkakatiwalaang pahayagan sa buong Pilipinas o makakapagtrabaho ako sa isang magandang kumpanya na may sweldong masasabi kong katapat ng mga unong nakukuha ko. Tinatanaw ko sa dulo ng aking kamalayan na pagkalipas ng apat na buwan, magiging manunulat ako at mababago ko ang lipunan gamit ang mga ideyalismong natutunan ko sa loob ng Adamson. Kasama ang mga kaibigan ko, hahabi kami ng isang kwento na isasa-pelikula at ito ang gigising sa dugo ng mga tamad na kabataang Pilipino nang sila’y ganahan sa kanilang pakikipagsapalaran sa ngalan ng diploma at karunungan. Oo, pangarap at optimism. Ano bang inaasahan mo sa isang estudyanteng malapit ng makatapos? Uy, assuming!

Anim na buwan na ang nakalipas, sinimulan kong kumatok samala-gintong pintuan ng real world. Sa ibaba ng pintuan, may kulay pink na welcome mat. May apat na pulang ribbon tas may smiley pa. Naks. Napangiti ako. Binuksan ko ang pinto at sumilip sandali. Umasa akong may babati sa akin ng “Magandang Umaga!” o kaya magsasabi na tumuloy ako sabay aabutan ako ng kape. Pag-asa na nga lang siguro dahil sa unang pagsilip ko tumambang sa akin ang isang napakalaking sign board na nagsasabing: “GAWIN MO ANG DAPAT MONG GAWIN AT BILISAN MO!” Walang welcome party, walang banner ng pangalan ko, wala ring getting to know each other. Parang pumasok ka lang sa silid-aralan para ipagyabang ang bago mong uniform, bag, lapis, papel at may baon ka pang Zesto at Happy house tas ang sasambulat sa’yo ay ang teacher mong nagsusulat ng math problems sa pisara habang ang mga kaklase mo ay nangungulot ang mga noo sa pagsagot. Ni wala silang panahon tumigil at tumingin sa direksyon mo. Posibleng may lumapit sayo pero hindi para gabayan ka papunta sa iyong upuan kundi para asarin ka dahil baliktad ang pagkakasuot mo ng sapatos mo. Minsan, yung teacher mo pa mismo ang gagawa nun. Tas pagtatawanan ka ng buong klase. Mga five minutes. Tas wala na ulit silang pakialam sayo. Oo, parang coming of age na pelikula sabay anti-climactic. Hindi ka uuwing luhaan. Hindi ka uuwing nakatawa. Uuwi kang tulala. Matutulog tas mangangarap ulit.

Totoong importante ang oras, bawat segundo ay katumbas ng ginto na pinaghihirapan mo upang manatiling nakatayo. Simula pa lang, isang napakahaba ng karera ang tingin ko sa buhay. Akala ko nun, yung mga kasabay mo lang ang may kakayahang pumatid sayo. Sa unang pagsilip ko sa real world, nalaman ko na ang mga nakarating sa finish line at pabalik na ay may kapangyarihan ding gambalahin ang karerang gustong-gusto mong ipanalo. Ngayon, natutunan ko na ang “pinball” ay isa sa mga bagay na dapat kinakalimutan sa sandaling maramdaman na ng anino mo ang latay ng mga bihasa na sa real world. Mababaw lang ang pinball pero walang puwang ang kababawan sa sinasabi kong mundo. Sa real world, matututunan mong isang malaking pang-uuto ang lahat ng natutunan mo sa mundong kunwari ay naghubog sayo. Kasi dito, hindi importante kung 1.2 ka sa editorial and column writing o kung aspiring writer ka pero naka-take two ka ng world lit- hindi sila interesado sa kasaysayan ng TCG mo. Sa totoo lang, wala silang pakialam sa buong kasaysayan ng pagkatao mo. Parang back to zero ang lahat dahil sa sandaling kumatok ka sa pintuan ng mundong ito, garantisadong hindi ka kaagad nakatayo. Gumagapang kang sasalubungin ang mga mapang-mata na magpapamuka sayo na ang pagsasalita ng banyaga ang magsasabi kung maituturing ka bang diyosa.

Hindi ko alam kung gano katagal ang paggapang ko, pero alam kong hindi uso ang kaibigan sa mundong ito. Walang lalapit sayo para itayo ka. Kawawa ka lang kung hindi mo babaguhin ang mga pananaw mo. Kung sa simula pa lang susuko ka, pangarapin mo na lang na maging contestant sa Wowowee. Hindi ko din alam kung may hagdan bang dapat akyatin para
tingalain ka ng marami. Bahala na. Kung sampung taon pa ko dapat gumapang, walang problema. Isa lang ang panghahawakan ko, mabilis akong matuto. Hindi ako mababawasan sa lahat ng maririnig ko, gano man kalalim ang pagkakabaon nito sa akin. Hindi ako mababawasan, madadagdagan ako. Sana lahat ng fresh graduates ay matutong magsimula sa ibaba ng may bukas na isipan at disiplina sa sarili.

Gusto ko sanang ipakita sa’yo yung nasilip ko sa real world pero mashadong naging mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na-record. Na-kwento ko naman di ba?! Kung gusto mo, sabay tayong kumatok. Hawakan mo ang kamay ko at hahawakan ko ang kamay mo. Magtawanan tayo. Lubus-lubusin natin ang natitirang sandali na magpakalunod sa lambot ng mga pinapangarap nating ulap. Tutal, fresh grad naman tayo. Pero sa oras na bumukas ang pinto at naiapak na natin ang ating unang hakbang, talo-talo na ha?

Reference:
OJT sa 96.3 WRocK, Philippine Daily Inquirer at One Media, Inc.

Shekhinah has blogged 1 posts


 


Subscribe
Contact Us
Send your tips, comments, suggestions to: magnus@adamsonian.com
Donate to Adamsonian
Feel free to donate any amount so we can buy a 150cc all-terrain vehicle and a Boyoyong clown that we can use to promote this site around campus.
Live Chat
Latest Message 5 days, 11 hours
  • invaderzim : W L Ateneo Blue Eagles : 7 - 1 De La Salle Green Archers : 6 - 2 FEU Tamaraws : 5 - 3 UE Red Warriors : 5 - 4 UST Growling Tigers : 4 - 4 Adamson Falcons : 2 - 6 UP Fighting Maroons : 2 - 7 NU Bulldogs : 2 - 7
  • invaderzim : huh?kasali pba adamson sa uaap?kala ko nag-inter baranggay nalng sila?
  • mayilow : wala nakakahiya. Dont ask na lang dont bother just concentrate on your studies.
  • spider_sense07 : anu na po standing ng AdU s UAAP?
  • spider_sense07 : hi adamsonians
  • bedshaker : anu na pagusapan
  • bedshaker : ui
  • chard : I can't view the exposes section =(
  • mayilow : lala napadaan lang bad trip suspended class khpon e pang hapon ako? naku naku..
  • algar68 : Hi Bondgirl
  • algar68 : Are you talking about astorga of ECE dept?
  • bondgirl4ever : sino ba pwede maka chikahan dito ngayon? ngayon din.
  • algar68 : Hello..
  • algar68 : HI any Batch 2006 here..
  • mayilow : @asia. eto buhay pa rin, not the greatest school in town but surviving. Dont wanna comment on the extreme..^^
  • stiban_graffiti : Sino ba yang ADMI na iyan? Kung estudyante ka, alam mo ba na mas masahol ka pa sa mga Makapili. or Kung admin ka man, nakakatawa ka. Nawalan tuloy ako ng ganang umebs.
  • admi : kasi kung sana nag complaint ka ng harapan hindi sa ganitong paraan para hindi na naman naghahasik ng magic at lagim si astorga. History is repeating again and again
  • eCe_spy : hahaha di naman admi hitting below the belt lang.. thats why..
  • admi : nagsusumbong ka ece_spy, hahaha
  • eCe_spy : Naming names? How come.. Tsktsk sir JB cud you please clean this mess..
  • Rastafariana : Anybody home?
  • schrondingeristhec : HUH?
  • admi : ece_spy is fcc
  • invaderzim : si captain america ba yun?
  • invaderzim : hahahahha...
  • admi : kaya si ece_spy hulugan muna
  • invaderzim : wow!nireveal na yung ibang superheroes!
  • admi : onlooker si Mr. joshua Tadena
  • admi : sigbin is Mr. Allan Camacho
  • admi : ece_boses is Mr. Ralph Corsiga
  • rowie0123 : ano ba itsura ng unoform ng it sa school natin ? 1st year ako sa pasukan .. ndi pa nabibigay uniform ko .. huhuh' di ko din alam kung anung itsura ng uniform na bibilhin ko ..
  • rnarcise : panu ba ma view ung blog... i'm just intrigued..kaso na blocked na ata ung post
  • macintyre13 : hello dyan
  • batongbuhay : panu b mgpost d2?
  • domeepogee : panu ba maglog-out dito? panu ba icancel yung registration ko?
  • invaderzim : hello din sayu hija
  • shirohana : hello po
  • KoKaK : nga pla,,,pag naiwan nu id nu kuha lng ako ng affidavit of loss kesa violation slip,,,gud 4 one day n un-disposable
  • KoKaK : jhopet kilala m c ece.boldstar?...mmmmmmm
  • KoKaK : anu bang password ang hinahanap pag view nun blog?...d ko n ma-access ei nakiki-internet lng aku
  • KoKaK : kaw ece k din man db?.....klala ko n c superklasse at c exe spy
  • KoKaK : uu bakit?
  • KoKaK : pooch! nabababoy n ang site...nagiging online n TIKTIK at BOMBA n ang mga nakapost. Mag journaism alang ka sila?...aahahahaha
  • jhopet : ece k ba kokak??
  • jhopet : panu mu nalaman kokak??
  • KoKaK : kilala n nila ang katauan ko...waahahahah
  • KoKaK : anu latest?
  • LAGOTka : please
  • LAGOTka : ece_spy
  • LAGOTka : ece stud aq.. and gs2 q mabasa un..

Please log in to chat

Most Commented Posts
Community
Recent Posts
Recent Commentors
Members
    755 registered users
    217 online guests
Slashdot Headlines