|
Sa unang dampot mo nito pagpasok pa lang sa gate ng skul, aakalain mo na ito ang dating dyaryo na sumasalamin sa mga isyu sa loob ng skul, ngunit hindi.
Pag sinabing “mga isyu sa loob ng skul”, nag uusap tayo dito ng isyu hinggil:
1. Kalagayan at “struggle” ng mga Adamsonian, …..sa pangkalahatan kalagayan ng Adamsonian bilang parte ng malawak na kabataan/estudyante na pinagsasamantalahan at pinagkakaitan ng mga batayang karapatan ng kasalukuyang rehimen …sa partikular, “struggle” ng isang Adamsonian sa loob ng skul. .. andyan ang “tuition fee increase”, talamak na “campus repression”, matinding kontrol ng OSA sa AUSG, naka-ambang “restructuring” sa AUSG (pakana din ng OSA/ admin syempre), pagkonti ng RSOs dahil sa pabago-bagong guidelines ng OSA. Ilan lamang yan…. kung tatanungin natin ang mga estudyante na nakakasalamuha natin araw-araw sasabihin nilang hindi lamang iyan, ipapartikular pa nila ang mga totoong isyu sa loob ng skul.
2. Kalagayan ng mga empleyado (academic at non-academic) sa loob ng skul, magmula sa mga propesor hanggang sa mga janitor, nararapat lamang na bigyan pansin ang kanilang estado sa loob ng kampus dahil sila din ay nakararanas ng pagsasamantala, at sila ang pangunahing kasalamuha, kasama at katuwang ng isang estudyantye sa loob ng kampus. Tandaan natin na ang CHRON ay naging susing makinarya at gumampan ng mahalagang ganap ng mga matagumpay na laban ng unyon (AUFEA) noong 2001.
Ang mga isyung nabanggit ay kadalasang natatabunan ng mga pabalat na mga isyu tulad ng mga usapin hinggil sa mga nailunsad na “seminars”, “concerts”, mga natamong awards, mga pagpapaganda sa pisikal na anyo ng skul at iba pa.. Hindi ko sinasabing hindi na dapat ipublish ang nga ito, totoo naman na “deserving” ang mga estudyante na malaman ang mga tagumpay na kanilang nakamit, malaman na may bagong “facilities” sa loob ng skul, o malaman na si ganyan ay na-promote na bilang ganito. Ngunit hindi ba mas nararapat na malaman ng estudyante ang totoong mga nangyayari sa loob ng skul, ang CHRON ay dpat magsilibing boses ng estudyante at salamin ng mga pakikibaka ng isang estudyante… ng isang Adamsonian.
…Nasa inyo (bagong CHRON), bilang mga manunulat na nagsisimula pa lamang, ang lahat ng panahon upang patunayan na tunay na “student publication” ang aming mababasa at hindi isa na namang publikasyon ng admin (tulad ng Ugnayan, at Adamson News). Hindi “deserving” ang mga estudyante sa isang publikasyon ng admin na nagkukubli lamang sa katawagang “official student publication.” Magsilbi sana itong hamon sa inyo na magsulat para sa masang estudyante.
Tags: Adamson+Chronicle, Adamsonian, Adamson+University
read_lapdog_read has blogged 1
posts
|