Medyo matagal rin akong nawala sa eksena dito sa adamsonian.com at nagulat ako sa aking inabutang maaanghang na palitan ng diskuyon at kuro-kuro. Nakakatuwa. Nakakalungkot. Pero dapat may natututo.
“Hindi Pula’t dilaw ang tunay na magkalaban…” -tatsulok by Noel Cabangon
Ano ba talaga ang issue? Ang lumang Kronikel o ang bago? Ang article na PBB o ang pangit na layout? Si tikgirl, Gervic, The onlooker o si Ms. Paredes? Baka naman si Invader Zim at ang animo’y nawawalang magandang camera na kronikel? Sa totoo lang, wala sa nabanggit ang issue. Ang totoong issue ay ang kalagayan ng Adamsonian noon, ngayon at ang magiging kalagayan nila sa hinaharap.
TFI o Tuition Increase. Tama si onlooker. Lumang issue. Pero taon-taon nandiyan pa rin. Kung hindi ako nagkakamali, may panahong napigilan ng Kronikel sa tulong na rin ng AUSG at mga estudiyante and pagtaas ng matrikula. History repeats itself. Nagawa noon, magagawa rin ngayon. Siguro’y kailangan lang mag eksperimento para muling mapigilan ang pagtaas ng matrikula.
“Unexperienced writers and editors”. Sa tingin ko dapat ibasura na muna natin ang ideyang ito. As long as ang bawat isa ay handang matuto walang magiging problema diyan.
“Old Kron VS New Kron”. Parang balita lang iyan. There’s no such thing as good news or bad news ergo walang bago at lumang Kron. Iisang dugo lang tayo pero may iba’t-ibang ideya. Subukan nating pag-isa-isahin at itama ang pagkakamali ng bawat isa.
Para sa mga taong involved sa diskusyon dito. Relax lang. Set tayo ng date tapos kita-kita tayo para mas maganda. Para mawala angas nating lahat. O kaya gumawa tayo ng monthly meeting sa luneta para mapagusapan natin ang mga plano para mas mapaganda ang Kronikel. Para sa mga interesado, email niyo ako.
paniking_gutom@rock.com
About the author:
Currently working as a call center representative in ortigas.
Deprived by the society...
paniking_gutom has blogged 5
posts
Write a comment