Kwentong porno | | May 23rd, 2008 posted by stiban_graffiti under Uncategorized |
Integral calculus kasi ang subject at ang hirap talagang unawain. Yung ngang pre-requisite nitong differential calculus ay hindi ko alam kung anong klaseng hocus-focus ba ang ginawa ko para pumasa. Panay kopya lang parati. Kasi naman talagang pang-utak henyo ang calculus. Ewan ko kung bakit sinama pa sa curriculum namin ito eh imposible naman kasing magiging mathematician ako balang-araw. Si Einstein lang ang alam kong may panahon sa calculus.
Simpleng tao lang kasi ako. Simple lang akong mag-isip kagaya ng mga kaklase kong utak-japanese cake.
Final exam na namin ngayon at kailangan kong maka-perfect para mahatak ko ang kulelat kong grado nung prelim at midterm. Pero, diyos ko naman, kahit anong klaseng isip ang gawin ko o pagkakamot ay walang maibibigay na kasagutan ang utak ko. Kahit naman kasi anong pakinig ang gawin ko nung nagtuturo si Prof ay para bang balang tumatagos lang sa bungo ko ang lecture nya.
Naisulat ko na ang mga formula sa armchair ko kanina pero hindi ko naman alam kung paano gagamitin ito.
Sinulat ni Prof. Dimagulangan ang mga problems sa black board. At habang binabasa ko ang mga tanong ay para bang sinisigaw nito sa akin na engot ako. Nababasa ko naman ang mga sinulat nya pero di ko maintindihan. Dapat kasi hindi na lang sumulpot ang calculus. Dapat kasi sa 23rd century pa naisilang sina Newton at Einstein. Ngayon, dahil sa kagagawan nila, nagdurusa ako.
Alam ko na wala akong maisasagot. Tinanong niya kung sino ang may mga permit na at ang mga wala pa raw ay maaari nang lumabas. May tatlong estudyante ang lumabas. Naiiyak ang isa na lumabas. Si Herbert yun. Madalas akong hiraman ng pamasahe nun. Working student kasi sya sa isang fastfood chain sa Robinson’s Galleria. Sarili nya pinag-aaral nya. Parang naaantig ang puso ko pero hindi ko malaman kung bakit. Me iba pa akong problemang dapat atupagin.
Sampung minuto na ang lumipas. Nabasa ko na ng sampung ulit ang mga given equations. Alam ko naman na puro dy dx lang ang maaari kong isagot pero intergral calculus ang kaharap ko ngayon. Ni hindi ko nga alam magbasa ng isang equation. Napakamot ako. Napayuko. Nag-iisip kunwari. Na-realize ko na mahirap talagang mag-isip lalo na pag hindi mo alam kung ano ang iisipin mo. Kailangan ko ng mirakulo. Kailangan ko ang karunungan ng Diyos sa mga sandaling ito. Kahit ngayon lang. Konting dasal lang ito at baka mauto ko siya. Our Father who art in heaven, thy intelligence be mine…Amen.
Sampung minuto pa uli. Walang response ang langit. Walang nakakasilaw na liwanag. Wala ring tunog ng trumpeta ng mga anghel. Marahil busy si God sa kakapanuod ng Tom and Jerry cartoon. Di ko na talaga alam ang iisipin ko. Tiningnan ko uli ang questionnaires. Umaasa na baka namamalik-mata lang ako at di problem solving ang exam namin kundi enumeration ng formulas o kaya essay-type lang. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin muli sa black board. Wala talagang pag-asa. Ito na talaga ang katapusan ko. Paalam makasalanang mundo!
Sinubukan ko nang tawagin sa isipan ko ang demonyo. Gipit na gipit na talaga ako pre. Sinabi ko na tulungan nya ako kasi naging pasaway naman ako sa mga utos ng alter-ego nya. Kahit kaluluwa ko ay isasanla ko para lang pumasa sa pesteng examination na ito. Naghintay ako ng ilang sandali. Walang lumitaw na hubad na lalaking kulay pula na me buntot at sungay. Wala rin akong narinig na tawang katulad nang kay Romy Diaz sa paligid. Nakakainis na talaga. Wala na ngang Diyos, pati ba naman demonyo wala rin. Kung ganun eh sino pa ang nagpapatakdo ng lahat ng ito? Ng sangkatauhan at ng buong kalawakan? Si Uncle Sam na rin kaya? Letseng mga Amerikanong iyan! Puro na lang sila ang may pakana!
Kay Superman na lang kaya ako mag-alay ng dasal tutal ayaw naman akong pansinin ni Jesus Christ? Pero fictional character lang din naman si Superman. Hindi rin sya totoo, ang totoo ay itong calculus na kaharap ko ngayon.
Naisip ko na kailangan ko nang lumingon sa paligid para sa kasagutan. Nakita ko ang katabi kong si Lucio na dumudungaw sa papel ko. Napa-ismid ako. Gusto kong kumuha ng fly swatter. Gusto ko syang batukan. Kokopyahan pa ako ng walang kwentang kaklase kong ito eh equal sign pa nga lang ang naidadagdag ko sa first given equation. Sinenyasan ko sya na wala pa akong sagot. Sa dami ba naman ng kaklase ko ay yung mas wala pang alam sa akin ang nakatabi ko. Sana kay Alexander na lang ako tumabi nung first day ng klase. Eh kaso me sitting arrangement na ginawa si Sir.
Binaling ko naman ang tingin ko sa kaliwa pero pader lang ang tumitig sa akin. Ano bang klaseng kamalasan ito?
Tumingala naman ako sa kisame. Limang butiking naglalaway lang ang nakita ko. Hindi ko alam kung bakit nag-uumpukan silang lahat sa ibabaw ko.
Tiningnan ko si Prof. Dimagulangan. Abala sya sa pagche-check ng exam ng unang section. Sinamantala ko ang pagkakataon at nilingon ko ang nasa likuran ko -si Lamielyn Santos. Hindi ko agad napansin ang papel nya. Nahatak kasi agad ang pansin ko ng kanyang malulusog na dibdib na dumudungaw sa kanyang blouse habang nakayuko sya at abalang sumasagot. Napatitig ako.
Alam ko naman na hindi ko makikita sa cleavage nya ang kasagutan pero halos lumuwa na ang mga mata ko dito. Para bang gusto nitong mag-bunjee jumping. Para ding may zoom ang mga mata ko na biglang luminaw ng tatlong ulit.
Nag-adjust pa ako ng resolution at naaninag ko na kulay yellow green ang bra nya. Cup C siguro sya kasi ang laki talaga ng hinaharap nya. Natural! Nakakaduling! Nakakapraning! Sobra! Kung kaya ko lang pahintuin ang oras ay kanina ko pa nilundag si Lamielyn parang si Venom. Tapos ang gagawin ko ay bubuhatin ko sya at ihihiga sa table ni Prof. Dimagulangan. Duon ko siya unti-unting huhubaran at dahan-dahang kukuhanin ang kanyang buong pagkatao at ispiritu hanggang sa bumunggo sa langit ang nagliliyab na maka-impyernong pagnanasa ko.
Nawawala na ako sa sarili at akma ko na sanang dadaklutin ang malalaking ano ni Lamielyn nang marinig ko ang boses ni Sir.
Cut!
Nagising ang ulirat ko nang sabihin ni Prof na last 5 minutes na lang. Bigla akong natauhan. Sumakit ang puson ko pagkatapos.
Namulat ako sa katotohanang wala pa rin akong naisasagot. Nakupo! Tiyak na uulitin ko na naman ang subject na ito next semester.
Napansin ko tumayo na si Lamielyn at nagpasa na ng kanyang bluebook. Sinundan sya ng iba pa. Hindi ko na hinabol ng tingin ang dibdib nya. Ilang saglit pa pati si Lucio ay nagpasa na rin. Masayang lumabas ang mokong, Nakakopya siguro. Dalawa na lang kaming natitirang sumasagot. Nasa kabilang sulok pa ang isa. Ilan kaya ang naisagot nya? Ano kaya ang probability na makakakopya ako sa kanya? Malabo. Walang pag-asa.
Wala na talaga. Tiningnan ko ang papel ko sa huling pagkakataon. Halos maiyak ako.
Tumayo na lang ako at inabot ko ang papel ko kay Prof. Dimagulangan. Kitakits na lang kami uli next sem sabi ko sa sarili. Pero nang lalabas na ako sa classroom ay tinawag niya ako. Hinawakan nya ang kamay ko. Marahan nyang pinisil ang palad ko at ngumiti sya sa akin.
Tinanong ko sya kung bakit.
Binulong nya sa akin ang dahilan.
Nagulat ako sa sinabi nya.
Napa-sign of the cross ako pagkatapos.
Last 20 posts by stiban_graffiti
About the author:
stiban_graffiti has blogged 8
posts
| Read the Comments | | |
Write a comment