header image
Categories
Archives
Affiliates
Misc


Kasingkulay ng isang bahaghari
May 4th, 2008 posted by stiban_graffiti under Alumni Stories

Naniniwala rin ako na lahat ng bata ay may pangarap.

At naniniwala rin ako na lahat sila ay may karapatang makapag-aral.

Subalit hindi naman lahat ay naniniwala pa rin sa paniniwalang ito.

Ang alam natin noon na ang edukasyon ay para sa lahat. Para sa mayaman at para sa mahirap. Ang alam din natin na ito ay para sa iyo, para sa akin, at para sa kanya. Kahit sino pa sya.

Madalas nating marinig noon ang pangaral sa atin na pagbutihin ang ating pag-aaral. Umiwas din sa barkada at bisyo. Ang mga ito daw ay upang makatapos ng pag-aaral at nang makaahon na rin sa kahirapan. Kapag hindi daw nakatapos ng kahit man lamang high school ay wala raw tayong mapupuntahan.

Kahit sa elementarya pa lang, tinatanung na sa atin ng ating mga guro kung ano ang mga pangarap natin. Kung ano ang mga ambisyon natin sa buhay. Madalas naman ay doctor, nurse, teacher, at pulis lang ang binabanggit ng mga bata. Meron pa yung nangangarap na maging astronaut kagaya ko. Hindi pa kasi nila alam na marami pang ibang propesyon. Kahit sa mga musmos nilang isipan ay mayroon na silang ideya sa salitang ‘pangarap’ at kung gaano kaganda magkaroon nito. Subalit ang hindi nila alam ay hindi ganun kadaling matupad ang mga iyon. Akala nila kapag sinabi nilang nais nilang maging teacher paglaki ay magkakatotoo na ito. Akala nila walang hahadlang sa nais nila. Akala rin nila na kasing kulay din ng mga krayola nila ang buhay na yumayapos sa kanila.

At sisimulan na nga nilang kulayan ng dilaw ang araw, ng asul ang dagat, ng berde ang dahon, at ng pula ang puso.

Para sa isang musmos, mas makulay, mas maganda. Mas maraming kulay, mas masaya. Subalit hindi nila alam na hindi lang isang simpleng papel ang tunay na mundo na pwede nilang guhitan at kulayan ng anumang naisin nila.

Pagkatapos ng elementarya, unti-unti nang magigising ang mga minsang naging musmos sa realidad ng buhay. Unti-unti na nilang mapapansin na pumupusyaw na ang kulay ng mga krayola nila.

Hindi na nila pwedeng kulayan ng dilaw ang araw, ng asul ang dagat, ng berde ang dahon, at ng pula ang puso gaya ng dati. Kasi unti-unti na silang magigising sa tunay na kulay ng lahat.

Sa pagpasok sa high school, maraming bata ang hindi na makakasali kahit naisin man nila. Marahil sapat na sa kanila ito tutal natuto na silang magsulat ng pangalan nila at basahin ito. Pwede na silang magpatuloy sa buhay – ngunit nang wala namang kalaban-laban kasi matindi na ang requirements ng lipunan. Kahit ang isang security guard ay kailangang nakatapos ng high school. Paano pa kaya yung hanggang elementarya lang? Makakapasok kaya sila sa pabrika bilang contractual workers? Magiging teacher pa kaya sila o doktor? Hindi ko alam kung paano ko ibubulong sa mga musmos na iyon na ayawan na. Na hindi na sila makakasali pang muli. Na hindi na sila makakasali sa paggawa ng homework, sa recitation, sa flag ceremony, at sa pagbili ng bagong pencil case at eraser.

Samantalang ang iba ay nasa loob ng mga bago nilang classroom kasama ng mga bago nilang kaklase, ang ibang naiwan ay napilitang bitawan ang lapis, umiyak ng konti sa tabi upang maagang harapin ang responsibilidad na hindi pa naman dapat sa kanila. Ang iba sa kanila ay patuloy pa ring umiiyak hanggang ngayon dahil sa karapatang pinagkait sa kanila. Dahil sa pagkukulang ng lipunan.

Kaya ang iba sa kanila ay ang lansangan na ang naging paaralan at unibersidad. At ang gutom ang naging guro nila na iisang leksyon lang ang tinuturo sa kanila ng paulit-ulit – iyon ay ang gumawa ng kahit na anong paraan para lang mabuhay.

Ang iba sa kanila, nabubusog hindi sa sandwich at orange juice sa kanilang lunchbox kundi sa sinisinghot na rugby. Ewan ko lang kung nabubusog ba sila dito. Pero tingin ko, hindi naman talaga nakakabusog ito. Nakakatulong lang ito marahil para makalimutan nila na gutom sila at mainda ang sakit ng kanilang nabubutas na sikmura. Kawawang mga bata, hanggang tingin lang naman ang magagawa ko. Pero ano ba magagawa ko? Hindi naman ako mayaman para ampunin silang lahat. Pulubi rin akong maituturing kagaya nila. Pero may nakapagsabi sa akin na isang kaibigan na kahit pulubi pa ang isang tao ay hindi ito hadlang upang hindi nya matulungan ang kapwa nya pulubi sa kahit na maliit na paraan. Tama sya dun.

Ano ngayon ang pwede kong gawin? Ano ang pwede mong gawin? Ang ipagdasal sila o bumuntung-hininga ng isandaang ulit? Ang magbigay sa kanila ng limos araw-araw? Ang pagsusumpitin sa mata ang lahat ng pulitiko? Ang magwelga sa kalsada at magsisigaw para sa pagbabago? Ito ba ang mga solusyon? Pakiwari ko ay hindi. Kahit ang pagsusulat kong ito ay wala ring kabuluhan kasi bukas ay patuloy pa ring sisinghot ang mga bata sa kalye. Kasi mas epektib pa nga siguro ang rugby kaysa ideolohiya sa pagpawi ng gutom. Kasi mamayang gabi rarampa muli ang mga batang babae upang ibenta ang kanilang murang katawan sa mga walang-kwentang tao at latak ng lipunan.

At ngayon naiisip ko pa na ang mga batang ito ay magiging magulang din balang araw. Ayoko nang isipin pa ang kahihinatnan ng kanilang mga anak at ng bukas nila. Wala nang katapusang sirkulo ito. Paulit-ulit. Palala nang palala.

Ewan ko ba kung bakit ko sinusulat ito. Alam ko naman na malabong matupad ang mga naisin ko. Alam ko rin naman na hindi ganun kadali ang iniisip ko. At alam ko naman na nag-aaksaya lang ako ng panahon sa pagsusulat ng isang lathalaing alam kong wala namang patutunguhan at walang maitutulong. Pero tinuloy ko pa rin.

Naniniwala kasi ako na ang lipunan ang may problema. Nakalimutan na nito ang tunay na kahulugan ng buhay at pag-ibig. Nakalimutan na nito na may responsibilidad ito sa kabataan bilang mga mabuting patnubay.

At ang pagtanggap na ang lipunan ay wala nang pag-asang mabago ay ang pangunahing sanhi kung bakit ito lumalala. Nakakalungkot isipin na tayo rin mismo ang mga taong bumubuo ng lipunang lumalason sa atin.

Tayo ang lipunan.

Tayo ang suliranin.

Tayo ang kumikitil sa kanilang mga pangarap.

Kung ako lang, pagod na ako - kagaya ng karamihan. Sawa na akong umasa sa makulay na pagbabagong ninanais na hindi ko naman mahahawakan. Pero ito tinuloy ko pa rin.

Siguro hindi naman talaga ako ang tumulak na magsulat nito. Siguro may isang maliit na parte ng pagkatao ko ang hindi nabago ng panahon. At marahil iyon ay ang musmos na ako sa akin na naniniwala pa rin na ang tunay na kulay ng buhay ay nakabatay pa rin sa kung anung krayola ang ipangkukulay ko.

At ang mga pipiliin ko…

Kulay dilaw para sa araw,

asul uli para sa dagat,

berde para sa dahon,

at pula pa rin para sa isang pusong hindi dapat mabahiran

ng kulay itim na katotohanan.



Tags:

About the author:

stiban_graffiti has blogged 9 posts


Read the Comments

[ # 2268 ] Comment from dentorrecampo [May 5, 2008, 4:06 pm]

your write-up absolutely brings the issue where it hurts, stiban, and debunks all notions of tuition hike as “normal”.

every time we forget that education is a right that the state must secure (and we pay huge taxes for it!) and resign ourselves into the mentality that there’s nothing more we can do about yearly tuition hikes and other one-sided educational policies, we doom more children into a life without education.

those children could be our own, our friends and relatives, or our neighbors. or it could be us. these are the same people those “noise-making”, “traffic-causing” activists, student-leaders and other like-minded groups are fighting for.

sadly, in our unending struggle to preserve ourselves, we forget our collective duty as one nation and instead add to the great divide brought on by our “silent acceptance” of the cruelty our neighbors suffer. with that, the vicious cycle continues unabated, waiting for its next victims.

in this selfish state of affairs, no one is spared, not us, not you.

Write a comment






Join Or Log-in
Subscribe
Contact Us
Send your tips, comments, suggestions to: magnus@adamsonian.com
Donate to Adamsonian
Feel free to donate any amount so we can buy a 150cc all-terrain vehicle and a Boyoyong clown that we can use to promote this site around campus.
Live Chat
Latest Message 1 day, 22 hours
  • invaderzim : The past is dead. Those who do not change will die.
  • diko38 : stressec
  • invaderzim : so baka next sem,tataas nanaman ang tuition.dahil tataas nanaman ang level ng skul.kung makapapasa nga.hehe
  • invaderzim : kazi may accreditation pala ang adu.hehe
  • invaderzim : ayun,ginawang alipin kahapon ang mga studs.pinaglinis ng skul.pinagpintura, walis,linis,pintura,etc. kapalit nun eh pagpasok ng nakacivilian at walang klase.(daw?)
  • anNe : musta adamsonian?
  • anNe : ;p
  • anNe : :p
  • invaderzim : ?
  • paniking_gutom : may naka sign in ba??
  • Ramon Millonte : hi
  • invaderzim : eh?
  • adventurera : musta?
  • paniking_gutom : may ganito pala dito.
  • paniking_gutom : hmmm.
  • adventurera : haha cge ayos yan
  • invaderzim : hehe
  • invaderzim : bago ako grumad aakyat din ako eh.sana
  • invaderzim : cge cge
  • adventurera : haha yan saya bago magsembreak punta ko :)
  • invaderzim : hehe
  • invaderzim : yeah!
  • adventurera : haha smahan mo ko. kitakits tau nila jes
  • invaderzim : heheh
  • invaderzim : hehe,,hmm...oo?umakyat nko last time eh.kaso tatlo lang ata naabutan ko eh.si jen yungisa dun.gusto ko rin kasi mameet ang mga taga grafix dept.
  • adventurera : mababaet naman ang mga bagong chroniclers db? hehe sana tumatanggap cla ng unwanted visitors
  • invaderzim : dehinz mo nmn kelangn ng old id.bisitors pass ayuz na,sbhin mo dadalawin mo lng mga taga sshhronicles.
  • invaderzim : ahahahaha..infaltable? pede naren!!!
  • adventurera : basta kuha niu ko bwisitors pass magpapacheeseburger tuloy ako hehe
  • adventurera : haha inflatable na camle
  • invaderzim : buhay ba?baka mamya nakalata na yung iuwi mo eh.
  • invaderzim : woiy!!talga?camel???
  • adventurera : haha kuha niyo ko bwisitors pass wla na ung id ko eh... uuwian ko ng camel ang magppasok skin ehehe...wish ko lng
  • invaderzim : hehe,hmmm..pede nmn cgro yun.sana lang tumatanggap sila ng mga thunders?hehe thunders naren ba ako?haha
  • adventurera : pwde bang bumisita sa tac? gusto ko ulit makita ang view sa penthouse haha... kelan sembreak?
  • invaderzim : heto ayuz namn?kamusta ofiz?pede bang bumisita
  • invaderzim : hahaha..hinde...kasi..hindi nmn ako ganun!haha.
  • THE ONLOOKER : @invaderzim: Bakit hindi ka ba komportableng tawaging pogi? Hehehe! Musta? :)
  • invaderzim : eh?
  • THE ONLOOKER : @adventura: Laglag na tayo sa UAAP. Ateneo vs. DLSU na sa Sunday. :)
  • THE ONLOOKER : Kumusta na ang pogi at magaganda kong mga schoolmate at mga kagalang-galang na alumni? :lol:
  • adventurera : anu b latest?
  • adventurera : ano na latest?
  • invaderzim : W L Ateneo Blue Eagles : 7 - 1 De La Salle Green Archers : 6 - 2 FEU Tamaraws : 5 - 3 UE Red Warriors : 5 - 4 UST Growling Tigers : 4 - 4 Adamson Falcons : 2 - 6 UP Fighting Maroons : 2 - 7 NU Bulldogs : 2 - 7
  • invaderzim : huh?kasali pba adamson sa uaap?kala ko nag-inter baranggay nalng sila?
  • mayilow : wala nakakahiya. Dont ask na lang dont bother just concentrate on your studies.
  • spider_sense07 : anu na po standing ng AdU s UAAP?
  • spider_sense07 : hi adamsonians
  • bedshaker : anu na pagusapan
  • bedshaker : ui

Please log in to chat

Most Commented Posts
Community
Recent Posts
Recent Commentors
Members
    794 registered users
    226 online guests
Slashdot Headlines