header image
Categories
Archives
Affiliates
Misc


Ceasefire sa TAC
February 18th, 2008 posted by stiban_graffiti under Adamson Chronicle

Tingin ko nasabi na ang lahat ng pwedeng sabihin ng parehong panig.

Sa nangyayari ngayon, hindi na maganda yung ganito. Halos magpatayan na tayo. Pare-pareho naman tayong mga Chroniclers. Kahit ako, foul yung mga pinagsasabi ko dito. Sorry sa new TAC.

Kung meron mang dapat makaintindi sa sitwasyon at hirap ng new Chroniclers, tingin ko ay ang kapwa rin nila Chroniclers na nauna sa kanila.

Pero sana maunawaan natin pareho na matindi ang nangyari sa student pub. Napasara ito ng admin ng dalawang taon. At ang masaklap pa nito, ang nasa pag-iisip ng bagong Chroniclers ay napakasama ng lumang TAC. Na napaka-corrupt nito at sobrang nakakahiya. Na dumating pa kayo sa puntong gawing VOLUME #1, ISSUE #1 ang maiden isyu ng term nyo. Ano ang ibig nyong ipakahulugan sa ginawa nyong ito? Mali yun. Mga bago pa lang kayong lahat dyan sa TAC. Lahat sa inyo, first time pa lang naging editor. Ni hindi nga kayo dumaan sa pagiging staffwriter ata.

Kung feeling nyo, hindi namin nauunawaan ang hirap na dinanas nyo sa maiden issue nyo, sana maunawaan nyo na hindi lang iisang issue ang ginawa namin dyan. At ngayon, nais nyong ibalewala ang lahat ng ginawa naming issues. Kung nakakahiya man sa inyo ang huling terms ng TAC, wag nyo namang lahatin. Ang alam ko ay volume 26 na dapat kayo at hindi volume 1. Paano naman yung mga naunang terms? PINUTOL nyo ang connection nyo sa mga naunang terms ng TAC dahil dito. Nagsisimula pa lamang kayo. Wala pa kayong napapatunayan. Pasensya na, ito lang ang nararamdaman ko.

Pati yung editorial nyo. Ano ang nilalaman nun? Patungkol ba yun sa mga kalintikan ng lumang TAC? Sino kayo para husgahan ang term na yun na masasabi kong isa sa pinakamadilim na pahina ng TAC? Alam nyo ba na napaka-traumatic sa mga Chroniclers ng last term ang pangyayaring iyon? Na sa kanilang term bumagsak ang Chronicle? Na hindi nila alam kung paano nila tatanggapin ang pagkakasara nito.

At ngayon, ang mismong NEW TAC pa na wala pang napapatunayan ang naghagis ng bato sa lumang TAC? Sino kayo? Andun ba kayo nun? May naitulong ba kayo? Kung ako nga na isang senior ng TAC, hindi ko magawang masisi ang last term dahil sa pagkakasara ng Chronicle na ginawa ko nang buhay ko, sino pa kaya kayo? May karapatan ba kayo?

Nakakasawa na yung ganitong away natin. Dumudumi na.

Kay Onlooker, sports lang tayo. Kung magka-batch tayo, tingin ko magkakasundo tayo kasi pareho tayong pikon. Sana mabuhay mo yung interes ng Adamsonian sa sports kasi para sa akin, wala talagang kabuhay-buhay ang magsulat ng tungkol sa sports. Lalo na sa basketball na laging talo ang varsity natin. Pero walang suntukan.

Kay Gervic, sa lahat ng member ng new TAC, ikaw lang ang medyo kilala ko. At nabasa ko na yung ibang articles mo, masasabi ko na okay kang magsulat at yung pag-apply mo sa editorial board exam para sa new TAC ang isa sa mga ikinagalak ko. kasi kahit papaano ay hindi totally naputol ang “bloodline”. At sa pag-aaral ko sa composition ng pangalan mo at sa hugis ng iyong mukha, nahulaan ko na ok ka. Sensitive ka lang. Normal lang yun lalo pa’t nagisa yung maiden issue nyo. Ikaw pa naman ang associate editor. I know how it feels… Hehehe. wag nyo na lang personalin ang isyu nyo dito ni Tikgirl kasi ganun talaga mang-okray yun. Kahit ako napipikon ako sa mga comment nun. Wala na akong masasabi sayo. Sorry sa mga nasabi ko dati sa term nyo. Alam ko bago pa lang kayo kaya sobrang hirap talaga ng pinagdanasan at pinagdadanasan nyo ngayon (nagsasalita ako bilang isang Chronicler kagaya nyo).

Anyway, Kahit ano pa man ang nasabi, CONGRATZ sa MAIDEN ISSUE nyo. Hirap ano? Pero masarap. Hindi ka na mahihirapan manganak sa panganay mo Gervic pag nag-asawa ka. hehehe.

Advice lang, namnamin nyo yung mga feedback at atake sa inyo dito. Marami kayong matututunan dito.

Sa layout, nandyan pa ata si Invaderzim at willing syang tumulong sa inyo. Malaki ang maitutulong ng magandang layout at magaling na layout artist. Sobra! Kasi dapat di na pinoproblema ng mga writers ang pag-le-layout dahil ang layout artist na dapat ang gagawa nito.

Kay Tikgirl, keep it up! You’re doing great. Naka-blockbuster ka sa post mo pati yung adviser nila ay napasalita mo.

Sa writing, anytime pwede kayong tumawag sa kahit sinong alumni ng tac para tulungan kayo. Wag na kayong pumunta sa baguio o sa kahit na ano pang seminar. Free of charge yung mga alumni. Dunkin Donut lang katapat nila. Wag kayong mag-alala di ako kasama dun. Baka di na ako makalabas ng buhay dyan. Hehehe. Sa totoo lang, maraming mababait na TAC alumni. Sobra!

Mag-recruit din kayo ng artist para sa graphics. Kailangang yun sa dyaryo lalo na sa editorial nyo. Wag kayong kukuha nang artist na si Popeye lang ang kayang i-drawing.

********************************

Alam ko darating din yung time na magkakasundo-sundo ang lahat para sa kapakanan ng Chronicle.

Pero ceasefire lang ito (para sa akin). Hehehe. Who knows?



Tags:

About the author:

stiban_graffiti has blogged 9 posts


Read the Comments

[ # 1746 ] Comment from ewoks [February 18, 2008, 2:13 pm]

thanks stiban. dalaw kayo sa office namin. mas okay nga siguro kung magkakasundo ang new batch and yung mga senior chroniclers. maybe you could teach us sa mga basics. thanks for the feedbacks, we’ll make use of them to improve. para maging proud kayo samin. sana tama na ang birahan. nakakaloka magbasa e. hehe. thank you uli =)

[ # 1748 ] Comment from JB [February 18, 2008, 3:51 pm]

“At sa pag-aaral ko sa composition ng pangalan mo at sa hugis ng iyong mukha, nahulaan ko na ok ka.”

stiban, hindi pwede iyan pangalan at hugis lang ng mukha ang basehan mo, baka sumablay ka. kelangan gumamit ka rin ng bolang kristal. he he he.

[ # 1750 ] Comment from white garapata [February 18, 2008, 4:04 pm]

excelsior para sa TAC!

dunkin donut ba? ang alam ko tinapay at nilalanggam na liver spread…hehe

[ # 1751 ] Comment from deity [February 18, 2008, 4:46 pm]

nilalanggam ba liver spread?
now ko lang narinig yan.
miss ko na liver spread.
3 dollars dito. minsan, 5 dollars…
depende sa topak ng Pinoy na nagtitinda.

me gustong magdonate? ayaw ko me langgam ha!
paging jb? one liver spread for wet sloppy kisses? deal? what ya say? =D

[ # 1754 ] Comment from Rastafariana [February 18, 2008, 7:39 pm]

Nice stiban.Naku ganyan ba talaga ang epekto ng winter dian sa riyadh? hehe. Oo nga naman, kase bakit ba tayo magookrayan e parepareho naman taiong chroniclers di ba? at ang mas matindi run , parepareho taiong adamsonians,tama? kaya dapat lang na tayo ang magtulong tulong di ba?

Pero hoy stiban! wag naman dunkin donuts lang, sabihin mo itreat tayo sa,dun sa kinakainan natin date ,hindi sa maan’s, pero malapit sa maan’s, ung may nagiihaw?sana talaga we can have a reunion di ba?ang saya nun!

kalimutan na yang mga grudges and let us start anew!hoorah!

[ # 1760 ] Comment from THE ONLOOKER [February 19, 2008, 1:48 pm]

Gusto kumanta ng “Let there be peace on earth, and let it begin with me”… :lol:

[ # 1762 ] Comment from invaderzim [February 19, 2008, 4:53 pm]

hmmmm…amoy positve aura na dito ah???

[ # 1768 ] Comment from JB [February 20, 2008, 3:59 am]

deity, it’s a deal! LOL!

[ # 1769 ] Comment from deity [February 20, 2008, 4:09 am]

i knew u won’t say no. LOL!

i saw the video… awesome.
galing ng bro mo.
at saka yung superman background niya ha,
ASTIG!
gawa din you. yung nagstrip ka ha!

mwahhhahaha!!!

[ # 1781 ] Comment from sir Kramic [February 21, 2008, 2:12 am]

I suggest mag meet ang mga bagong TAC members at ang mga dating editors.

Wala naman siguro masama iyon kay Ms. Arlene di ba

[ # 1782 ] Comment from sir Kramic [February 21, 2008, 2:14 am]

Rastafariana, yun ba yung katapat ng bakery na binibilhin natin dati ng pancit canton?

[ # 1795 ] Comment from Rastafariana [February 21, 2008, 6:12 pm]

Oo un nga sir kramic,galing mo! kain tayo ulit dunnn! miss ko na kayo!

[ # 1915 ] Comment from raseryu [March 10, 2008, 5:37 am]

Sana ang new TAC ay maging isang independent student publication. Sana hindi kayo maging tuta ng admin. Lahat ng dapat isiwalat, sabihin nio, tulad ng ginagawa ng lumang TAC. Huag kayong pakokontrol sa ADMIN, tulad ng ginawa nila ngayon sa AUSG.

Write a comment






Join Or Log-in
Subscribe
Contact Us
Send your tips, comments, suggestions to: magnus@adamsonian.com
Donate to Adamsonian
Feel free to donate any amount so we can buy a 150cc all-terrain vehicle and a Boyoyong clown that we can use to promote this site around campus.
Live Chat
Latest Message 1 day, 22 hours
  • invaderzim : The past is dead. Those who do not change will die.
  • diko38 : stressec
  • invaderzim : so baka next sem,tataas nanaman ang tuition.dahil tataas nanaman ang level ng skul.kung makapapasa nga.hehe
  • invaderzim : kazi may accreditation pala ang adu.hehe
  • invaderzim : ayun,ginawang alipin kahapon ang mga studs.pinaglinis ng skul.pinagpintura, walis,linis,pintura,etc. kapalit nun eh pagpasok ng nakacivilian at walang klase.(daw?)
  • anNe : musta adamsonian?
  • anNe : ;p
  • anNe : :p
  • invaderzim : ?
  • paniking_gutom : may naka sign in ba??
  • Ramon Millonte : hi
  • invaderzim : eh?
  • adventurera : musta?
  • paniking_gutom : may ganito pala dito.
  • paniking_gutom : hmmm.
  • adventurera : haha cge ayos yan
  • invaderzim : hehe
  • invaderzim : bago ako grumad aakyat din ako eh.sana
  • invaderzim : cge cge
  • adventurera : haha yan saya bago magsembreak punta ko :)
  • invaderzim : hehe
  • invaderzim : yeah!
  • adventurera : haha smahan mo ko. kitakits tau nila jes
  • invaderzim : heheh
  • invaderzim : hehe,,hmm...oo?umakyat nko last time eh.kaso tatlo lang ata naabutan ko eh.si jen yungisa dun.gusto ko rin kasi mameet ang mga taga grafix dept.
  • adventurera : mababaet naman ang mga bagong chroniclers db? hehe sana tumatanggap cla ng unwanted visitors
  • invaderzim : dehinz mo nmn kelangn ng old id.bisitors pass ayuz na,sbhin mo dadalawin mo lng mga taga sshhronicles.
  • invaderzim : ahahahaha..infaltable? pede naren!!!
  • adventurera : basta kuha niu ko bwisitors pass magpapacheeseburger tuloy ako hehe
  • adventurera : haha inflatable na camle
  • invaderzim : buhay ba?baka mamya nakalata na yung iuwi mo eh.
  • invaderzim : woiy!!talga?camel???
  • adventurera : haha kuha niyo ko bwisitors pass wla na ung id ko eh... uuwian ko ng camel ang magppasok skin ehehe...wish ko lng
  • invaderzim : hehe,hmmm..pede nmn cgro yun.sana lang tumatanggap sila ng mga thunders?hehe thunders naren ba ako?haha
  • adventurera : pwde bang bumisita sa tac? gusto ko ulit makita ang view sa penthouse haha... kelan sembreak?
  • invaderzim : heto ayuz namn?kamusta ofiz?pede bang bumisita
  • invaderzim : hahaha..hinde...kasi..hindi nmn ako ganun!haha.
  • THE ONLOOKER : @invaderzim: Bakit hindi ka ba komportableng tawaging pogi? Hehehe! Musta? :)
  • invaderzim : eh?
  • THE ONLOOKER : @adventura: Laglag na tayo sa UAAP. Ateneo vs. DLSU na sa Sunday. :)
  • THE ONLOOKER : Kumusta na ang pogi at magaganda kong mga schoolmate at mga kagalang-galang na alumni? :lol:
  • adventurera : anu b latest?
  • adventurera : ano na latest?
  • invaderzim : W L Ateneo Blue Eagles : 7 - 1 De La Salle Green Archers : 6 - 2 FEU Tamaraws : 5 - 3 UE Red Warriors : 5 - 4 UST Growling Tigers : 4 - 4 Adamson Falcons : 2 - 6 UP Fighting Maroons : 2 - 7 NU Bulldogs : 2 - 7
  • invaderzim : huh?kasali pba adamson sa uaap?kala ko nag-inter baranggay nalng sila?
  • mayilow : wala nakakahiya. Dont ask na lang dont bother just concentrate on your studies.
  • spider_sense07 : anu na po standing ng AdU s UAAP?
  • spider_sense07 : hi adamsonians
  • bedshaker : anu na pagusapan
  • bedshaker : ui

Please log in to chat

Most Commented Posts
Community
Recent Posts
Recent Commentors
Members
    794 registered users
    226 online guests
Slashdot Headlines