Isa ako sa mga nangangarap na maging isang manunulat balang araw - na kahit hindi akma ang aking kursong kinukuha sa gusto kong marating, hindi pa rin ako umaayaw bagkus pinagbubuti ko ang aking nasimulan. Ipinagmamalaki kong naging news editor na ako ng aming school paper noong hayskul pa lamang ako at nakapagsulat na rin ako dito. Masayang maging isang journalist!(di ba mass comm students??) ipinagmamalaki ko ring ngayong nakatuntong na ako sa isang napakakumplikadong buhay ng isang mag-aaral na nakapagsulat na rin ako sa isang diyaryo na tinatangkilik din ng masang PILIPINO. Walang takot kong sinulat ang aking obra na pinamagatang HUSTISYA at narito pa ang isang obra na tiyak magpapagising sa tulog na damdamin ng mga Pilipinong ubod ng suwapang, sakim at ubod ng yabang!! Narito po at sana magustuhan niyo.
MGA LUHA SA ILALIM NG LRT
“Kung ta…yo’y mag…ka…ka…layo…”, isang awiting nagpapaantig sa aking pagkatao sa saliw ng isang antigong gitara na ang tanging tinig lamang ng isang tila mawawalan na ng ulirat ang siyang nauulinig sa tuwing ang araw ay sisikat hanggang sa lamunin na ito ng isang gabing mapanglaw.
Sa bawat araw na paghakbang ng aking mga paa sa kanyang harapan, sa bawat pagbagsak ng mga barya sa isang maliit na kahon na may mga katagang “DONATION FOR THE BLIND” ay siya ring pagpatak ng mga butil na kristal mula sa kanyang nadidimlang paningin na lalong kumukurot sa aking bagbag na puso. Isa si Manong sa mga matatag ang loob, masipag at tunay na nananalig sa kapangyarihan ng Diyos. Araw-araw na nakabilad sa sikatan ng araw bagama’t nasa ilalim lamang ng LRT ang matanda ay nakakaranas siya ng pagpapagal ng katawang laman. Maituturing na isang tunay na bayani si Manong dahil siya lamang ang bumubuhay sa apat na anak na wala ring kamalay-malay sa mundong ibabaw. Minsan sa aking pagdaan, hindi ko napigilan ang pagluha ng aking mga mata. Nakikinita ko sa kanya ang ibang Pilipinong patuloy na dumaranas ng kahirapan. Sa kabila ng mga magulong kaganapan sa bansang ito’y heto siya’t patuloy na humahanap ng ikabubuhay ng kanyang pamilya.
Malungkot ang mukha nang humarap sa akin ang matandang batbat ng pagtitiis sa buhay habang isa-isang kinakalabit ang bawat kuwerdas ng kanyang gitara. Halos manghina ang katawan habang kausap ko siya - na para bagang hindi mabatid ng kanyang puso’t mga labi ang sasambitlain sa pagkakataong iyun. Lalo akong nahabag - nasaan na ang mga taong dapat san’y umaaruga at nagmamahal kay Manong? Nasaan ang mga tunay na Pilipino? Nasaan?
Akin namang narinig muli ang bawat pagbagsak ng barya sa kahon na may mga katagang “DONATION FOR THE BLIND”, kasabay niyon ay ang pagpatak ng mga butil na kristal mula sa kanyang nadidimlang paningin. kailan? Kailan pa kaya makakamtan ang pag-asang makakita ng liwanag?
…Umalis akong hindi man lang nilingon ang kawawang matanda, bagkus, tumatangis ang aking bagbag na puso…
Paalam, Manong! Paalam!
Maaari po ninyong bigyan ng komento ang lathaling ito. You may visit my friendster account. Just add me up: khim_justine14@yahoo.com at makikilala niyo ang tunay na ako!!!
Last 20 posts by robie_14
Tags: Adamson Chronicle, Adamsonian, Adamson University
About the author:
hmm... add me up nlng po sa frenster, mejo tinatamad pa ako magtype ngaun kung pano ko ippakilala sarili ko!!hehe
friendster account ko: khim_justine14@yahoo.com
robie_14 has blogged 3
posts
Write a comment