Sa isang madilim ng sulok naroon siya… Sa isang sulok ng malamig na kuwarto… Sa gilid habang pinagmamasdan ang galaw ng halaman na sa isang sulok…
Sariwa pa sa alaala nya ang panahong siya ay naglalakad na halos walang saplot habang nagtatampisaw sa ulan.. Ang kanyang kamusmusan ay hindi alintana ang mata ng mga tao… Sa kanyang katawan mura pa.
Sa ulira niyang bata pa ay sarado pa ang isipan nya sa mga na makamundo.
Ngunit sa isang banda ang tigren gutom sa laman siya ay nagtila isang usa na, na masarap gawing hapunan, upang punan ang kanyang pangangailangang pisikal. Habang ang kanyang isipan ay nasa isang parte lang ng kamusmusan, siya tinawag ng tigreng ito upang pumasok sa hungib ng kapahakan, ngunit kuta ng kaligayahan ng mapanganib na hayop.
Ang maamong hayop ay lumapit sapagkat kilala nya ang hayop na ito… Mapanganib sa binabalak nya ngunit baliwala sa musmus na isipang ito. Ang makamundong isipan ng nilalang na ito ay magbabago..
Isinakatuparan ng mabangis na hayop ang kanyang matagal na mithiin… Ang mithiing pisikal… Ang musmos ay namulat… Sa isang bagay na hindi dapat sa kanya mangyari… Wala siyang ibang nagawa kundi ang lumuha… Ginustong sumigaw ngunit tila walang boses na nakakarinig sa kanya..ginustong tumanggi ngunit hindi siya makaalpas…
Ito ang buhay niya sa loob ng ilang taon… Hanggang siya ay magdalaga, sa kaniyang ika - labing pitong taong gulang… At natapos lamang ng makilala ang isang nilalang na kung tawagin ng mga taga silangan ay “ninja”, nagligtas sa kanyang tuluyang kalungkutan…
Ngunit ang ninja ay lumayo… Ngayon siya ay nandito sa malmig na kuwarto, nakatitig sa apat na sulok, habang palapit ang isang lalaking nakatowel lamang..habang nakititig sa kanyang murang katawan… Kilala nya ito.. Kilalang kilala.
Dahil ito ang nagbigay sa kanya ng buhay, na ngayo’y aangkin siyang pisikal…
(This is the reality of Life, evil arises even in our own home.)
About the author:
achientot has blogged 1
posts
Write a comment