May kilala ako na pag nalalasing ay kayang tiklupin ang kalsada. Kapag wala ka na sa wisyo, masarap magmura. Masarap mag-isip. Masarap magmahal. Ang kabigan ng kaibigan ko, kapag lasing nanunutok ng baril, hinahamon ang buhay, hinahamon si Paquito Diaz. Kapag lasing ka, masarap maging pulutan ang nakaraan. Lahat ng anggulo kaya mong tignan, ikaw ang bida sa sarili mong umiikot at unti-unti nang nahihilong mundo. Kuwento ng kaibigan ko sa isang kaibigan namin, tumae sa kalsada nang lasing na pero hindi sumuka. Kung San Mig Light ang trip mo, walang problema. Itagay mo, dude. Huwag ka lang magtatanong tungkol sa pag-ibig. May kaibigan ako na umihi sa plato matapos ang mahaba-habang usapan sa harap ng bote. Si Janis Joplin ba kamo? Sige, patugtugin mo. Huwag ka lang iiyak sa kanta niya. May kaibigan akong Joni at Mitch-ell pero hindi sila singer. Masarap silang kasama, masarap silang kakwentuhan. Isa sa kanila kapag lasing na, kinakausap ang dalawang speaker ng PC namin. May ibat-ibang lasa ng alak depende sa mood ng mga umiinom. Kung pakiramdam mo, nag-iisa ka sa mundo punta tayo sa Antho sa Malate, mag-request tayo ng Pixies o Jimi Hendrix habang nag-iisip tayo kung ano ang dapat gawin natin sa mga buhay natin. Kung wala ka namang pera at hindi ka pa gradweyt, i-text mo lang ako, susunod ako sa Vanz, tapos lipat tayo sa harap ng WPD, doon natin ituloy ang naudlot na pangangarap, mag-videoke habang kaya pang kontrolin ang boses, wala sanang sisigaw, walang makikipag-away, patak-patak na lang sa bayad, wala na akong pera, hindi pa ako kumakain. Kung bitter ka talaga sa buhay mo, inom tayo ng hard na walang yelo. Kung intellectual masturbation ang hanap mo, masarap ang strong ice, dude, tamang-tama lang ang amats. Soft-porn, ika nga. Dried Martini para kay Kristine Hermosa, Strong Ice para kay Katrina Halili, San Mig Light para kay Anne Curtis at Gin para kay Piolo Pascual. Trip kong mag-lasing, i-text natin si nomzky baka walang work yun, si Pule may lakad. Ibat-ibang panlasa sa hamon ng buhay. Sa amin sa Ilocos masarap ang tuba. Nakaka-tatlong shot ka pa lang nag-iinit na ang tenga mo, feeling ikaw na ang nawawalang Messiah o si Panchito. Sabi ni Mitch, sa paglalasing lumalabas ang tunay mong pagkatao. Tinatanggal ng bote ng alak ang iyong maskara. May kakilala ako na kapag nalalasing, nagiging horny. Ang isa, nagiging madaldal, kwento nang kuwento, kayang sabihin ang mga litanya ni Tyler Durden. May kaibigan ako na kapag nalalasing, gustong maligo sa ulan nang nakahubad. Ang bote ng alak hindi hinahalikan kundi iniinom. Ayaw na ni Pule, sa iyo na ang shot niya. Si Nomzky malayo na naman ang iniisip. Si Tikgirl, nagsusulat na naman sa kanyang notebook. Tang enang babaeng ‘to, nag iisip na naman kung paano ang pinakamahusay na pagpapakamatay. Si Joni, kumusta na kaya yun? Puro German beer siguro ang iniinom. Tang ‘ena mo Bibe kalimutan mo na ang malaking titing yun. Huwag kang éklat. Hoy Ken kailan ka magpapagupit? Dude, jutes naman tayo minsan, miss ko nang tumawa nang tumawa eh. Wala nang alak, gusto niyo pa? Si Erno ngumingiti lang, miss niya siguro ang syota niya. Sinong siyota? Si Jaeson tahimik pa rin kahit may syota na. Si Zierra nagpapacute sa harap ng bote, kumanta ka na lang kaya. Sigh. Gusto ko nang umuwi. Dude, wala nang yelo. Naku, bitter ang alak kapag walang yelo. Baka may problema. Dati akala ko masarap ang inom kung ang problema mo ay babae. Dati dalawa lang ang dahilan kaya ako umiinom: Babae at kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Dude, dati yun. Ngayon wala nang pakialam sa babae, basta umiinom na lang. Kung magyaya si Pule at may pera, shoot ako. Ang pag inom ng alak ay nangangahulugan ng pagbabalik-tanaw sa buhay estudyante, doon sa Kalaw ang tambayan. Isang nostalgia ang pag-inom. Paksyet, medyo lasing na ako, masusuka na ata ako. Manong, pwedeng humingi ng sabawww!!!!!!!!
Tags: Adamsonian
About the author:
a director wannabe. A lonesome chimera.
white garapata has blogged 12
posts
Write a comment