Mayo katorse, bukod sa sure akong papasok ako dahil may trabaho kailangan ko rin umuwi sa malayong probinsya ng Bulacan para bomoto.
Pero ang tanong para kanino ang labing dalawang boto ko na ilulukolok ko sa senado, pero hanggang ngayon, habang ginagawa ko ang blog na to lima pa lang ang sure na iboboto ko sa pagka-Senador sa local government naman still may doubt pa rin ako kung sino ilalagay ko sa balota.
Nakakatuwa lang isipin may mga taong kailangan ipamukha sa kapwa nila na dapat bomoto, mag mula sa ABS-CBN na dapat bantayan ng tao ang kanilang karapatan at boto kaya may Ipatrol mo ang Boto Mo campaign, ang Studio 23 ay may Y Vote mula sa 5 second campaign kasama ang kanilang mga artista hanggang sa malawakang kampanya sa Bonifacio Shrine at sa GMA na mini presentation ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa kanilang Isang Boto. Yup media in all forms advocates all sectors, all walks of life and people with different principles in life pero ang tanong, Bobo ba sila o boboto sila sa Mayo katorse.
Tulad ko nag iisip din na kung boboto man ako paano ako makakasiguro na hindi isang bobong desisyon ang paglukluk ng isang taong inaakala ko na maglilingkod sa bayan ng tapat o sadyang ginawa lang na negosyo ang pagtakbo para kumita mula sa kaban ng bayan at ang tanging gagawin ay ipangalan sa lahat ng angkan niya ang mga kalye sa Metro Manila at mag pacute lang sa TV.
Minsan nakakawalang ganang pumunta sa botohan dahil sa napakabagal na sistema ng pagboto, dahil ibinasura ang computerized voting system dahil minaliit nila ang ilang kababayan na computer illiterate dahil sanay na daw ang mga Pinoy sa nagtataeng bolpen niya at sa kaparasong papel na mula sa napakaraming pinutol na puno sa kagubatan hanggang sa napakabagal na bilangan at mga dramahan ng mga pulitikong kesyo dinaya daw ang botohan kaya sila hindi nanalo at nagtatawag ng re-count.
Oo minsan nakakatamad nang bumoto dahil pag nanalo ba sila may pakialam pa ba sila sa atin, kakamayan pa ba nila tayo kung sakaling makasalubong nila tayo daan, makakasayaw pa ba sila ng kanilang mga jinggle o baka naman kagaya ng mga poster nilang pagkatapos maidikit sa dingding, napupunit ang alaala nila na minsan nangako sila sa tin, at kukupas ang kanilang mga paniniwalang itataguyod nila ang kapakanan ng mga bansa at nang taong bayan.
Nagiging idealistic na naman ako, nangangarap na naman ako na magiging maganda at maayos ang lahat. O sadyang naglalaro na naman ang isipan ko na kung ako ba ay boboto at sa huli isang bobong naniwala sa pangako ng iba.
Last 20 posts by sir Kramic
- Erap and PGMA’s Nativity Scene in Cebu - November 22nd, 2007
- Top 20 schools in the Philippines - September 19th, 2007
- Gloria goes blonde? - September 18th, 2007
- Erap guilty of plunder - September 12th, 2007
- Careers @ Absi - August 29th, 2007
- Bobo (to) ka ba talaga? - April 30th, 2007
- Housemates Face The Danger Of Going Home - March 14th, 2007
- Love Shines Through - March 14th, 2007
- Skin-deep - March 14th, 2007
- That’s one smart Mickey - March 14th, 2007
- Ina: Isang Pagninilay-nilay - March 10th, 2007
- Studio 23 Kabarkada Mo presents Y Vote? - January 21st, 2007
- I-send mo na PBB Moments mo! - January 10th, 2007
- Y Speak Starts 2007 with a Bang! - January 4th, 2007
- Maligayang Pasko Kapamilyas! - December 23rd, 2006
- Alumni homecoming na sa February, pupunta ka ba? - December 19th, 2006
- Hanggang saan ang pagiging Adamsonian mo? - December 15th, 2006
- Sa muling pagbabalik* - December 14th, 2006
About the author:
Proud to be Kapamilya!
sir Kramic has blogged 18
posts
Write a comment