Itim daw ang dugo na nananalaytay sa mga pirata ng Kronikel.Ito minsan ang naging bukambibig ng dati kong patnugot sa publikasyon. Itim dahil may lason ang dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat na pinapanday nang walang liguan na presswork at gabi-gabing paglaklak sa mapaklang kape at pagkain ng matigas na tinapay. Kadalasan ay nakatitig lamang sa blankong screen at sabay na nanonood ng CD cleaner sa kabilang kompyuter. Ang penthouse na naging tambayan ng mga ipis habang natututo silang magpalipad ng kani-kanilang eroplanong papel sa may balkonahe tuwing sasapit ang dapithapon.
Mahigit na isang taon mula ngayon nang matagumpay na naipasara ng mga alagad ni Sauron ang The Adamson Chronicle. Isang hakbang na ikinatuwa ng nakakaraming masang adamsonyan. Kaming mga miyembro nito’y nagmistulang mga dragon ball na napadpad sa kung saan-saan matapos na humiling si Oolong ng isang underwear mula sa makapangyarihang dragon. Parang isang paulit-ulit na kamalian ang nangyari na kung saan ako mismo ay may bahid na dugo sa aking mga kamay. Wala na sigurong hihigit pa sa buhay ng manunulat ang maranasan ang isang nakakatawang trahedya sa kanyang buhay, ang malunod siya kasama ang kanyang ball pen sa bangkang papel na kanyang sinasagwan.
Maraming pinaghihinayangan. Maraming mga pagkakamali. Ang nangyari sa Kronikel ay isang kahapon na pilit ko pa ring hinahanap na parang nawawalang sirang sapatos sa may San Marcelino. May kalungkutan akong nararamdaman sa tuwing madaratnan ko ang dating opis, mapagmasdan ang kagandahan nito mula sa tuktok ng gusali ng Sain Vincent. Isang tipid na ngiti na lamang ang kaya kong isukli sa dating opis na kung saan ay dito ko unang pinalipad ang eroplanong papel papunta sa aking musa (hello Kristine Hermosa!)at naging tanggulan ng aking mga “ka-libogan”. Ang Penthouse na ngayon ay mga multo na lamang ng mga paring napugotan ng ulo noong ikalawang digmaang pandaigdig ang nakikinabang.
Ang payapang pampang ay hindi lamang sa mga pirata na natutong maglaro ng Starcraft o Mario Bros sa loob ng opis kundi sa mga ipis na natutong magsulat sa ibabaw ng panis na kape. Ang mga ipis na umibig sa maharot na kaway ni Paris Hilton. Sapagkat ang manunulat ay isang ipis na nabubuhay sa ika-limang dimension ng kanyang imahinasyon at sa realidad na kanyang ginagalawan. Mga ipis na nalunod sa basong hindi nahuhugasan gabi-gabi. Itutuloy ng ipis ang pagpapalipad ng kanyang eroplanong papel papunta sa mundo ng fantastica at bigyang puwang ang kanyang bagong mundo.
Kaya naman natuwa ako nang mula sa kanyang himlayan ay tinapik ako ni Kurimao at binatukan sabay kanta ng Delilah, isang imbitasyon para sa muling presswork na walang kape at matigas na tinapay. Puyat at kaka-ibang kalibogan sa kama ng cyberspace na nga raw ang laban ngayon ng mga pirata at ipis ng kronikel. Isang pagpapasya kung sino nga ba ang mas masarap ka-kwentuhan sa kama: si Katrina Halili o si Angelica Panganiban?
Masarap pa rin namang matulog sa Luneta at ang librong nakasukbit ang gagawing unan; mapadpad sa Malate paminsan-minsan; uminom ng kape sa isang hindi nahugasang tasa at punong-puno ng nalunod na ipis; manood ng CD cleaner; matulog sa San Marcelino habang may welga, hindi maligo at hindi masuklay; magsulat nang magsulat, nang magsulat, magsulat nang magsulat, nang magsulat, magsulat nang magsulat, nang magsulat, magsulat nang magsulat, nang magsulat, magsulat nang magsulat, nang magsulat, magsulat nang magsulat, nang magsulat, magsulat nang magsulat, nang magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat, magsulat,nang magsulat…
Sigh. Makapanood na nga lamang ng CD cleaner sa Pentium 1 ni Sylvertoes.
Last 20 posts by white garapata
- Polymorphously Perverse - April 2nd, 2008
- “He who is not busy being born is busy dying” - Bob Dylan - February 25th, 2008
- The financial rewards of blogging - February 21st, 2008
- Grace for being disgraceful - February 20th, 2008
- The man who hates Bill Gates - February 16th, 2008
- Godot - December 19th, 2007
- Richard Feynman has the answer to enjoying the beauty of a flower - November 30th, 2007
- Dude, Alak Pa! - September 5th, 2007
- Stephen Hawking Universe: Taming the Mind of God - June 19th, 2007
- Obituary— so it goes - April 19th, 2007
- Ang manunulat habang tumatabas ng damo sa kalawakan - April 15th, 2007
- Sentimiyento ng isang ipis - January 11th, 2007
Tags: The Adamson Chronicle, Kurimao
About the author:
a director wannabe. A lonesome chimera.
white garapata has blogged 12
posts
Write a comment