Mahigit limang taon na ang nakalipas ng grumadweyt ako sa unibersidad. Maraming alaala, kaibigan, galit, paghihirap, pagtitiis ang aking naranasan. Ngunit mahigit sa lahat ng mga ito ay aking ipinagpapasalamat at nais balik-balikan.
Mga Kaibigan - marami sila at hindi mabibilang. Mga kaibigang alam mo ang pangalan pero di mo maalala kung saan mo na-meet. Mga kaibigang alam mo ang mukha ngunit hindi mo alam ang pangalan. Mga kaibigang napanaginipan mo.
Mga Kaaway - mga professors na nakaaway at kinagalitan, kinainisan at pinagtaguan, nakasagutan sa classroom, etc.
Adamson Chronicle - ito ang naging family ko sa Adamson. Naging kapamilya ako ng tatlong taon (puno ng puyat, galit, inis, outing, saya, pagkain, etc.) Maraming tao ang nagturo sa akin upang maging masaya ang stay sa school. Kuya Joebert, Kuya Alvin, Jeff, Caloy, Diane, Maui, Jenson, Aldrin, Socsy, Ate Rose, Ate Cel at marami pang ibang myembro ng institusyon. Really, iba ang pakiramdam pag kasama mo ang mga ‘kapamilya’ mo. Kanya-kanyang opinyon, kanya-kanyang yabang. Higit sa lahat…
Ang sarap ng presswork! Papasok ka ng walang ligo, puyat, bangag, walang kain minsan (or chips ang lunch o delayed). Hehe! Ang sarap balikan ng mga pangyayari at mg naging kasama.
Nasaan man sila ngayon ay alam kong nasa puso nila ang pagiging isang Chronicler. Sarado man ang publikasyon subalit mananatiling bukas ang damdaming pinag-alab ng pagmamahal sa isa’t-isa…pagmamahal sa Adamson Chronicle.
TO SIN BY SILENCE WHEN WE SHOULD PROTEST MAKES COWARDS OUT OF MEN.
p.s. di na ito poetic, hehe!
About the author:
VS has blogged 1
posts
Write a comment