Ang sarap isiping nakapagtapos ka na nang pagaaral. Sa wakas ay makakaalis ka na sa sintang paaralan o sa impyernong iyong pinanggalingan. Ako, halo-halo ang emosyon noong ako’y nakapagtapos nitong nakaraang Oktubre. Saya dahil sa wakas, hindi ko akalaing magtatapos ako at magmamartsa kasama ng mga taong apat na taon kong nakasama sa buhay kolehiyo ko. Saya dahil taas-noo ko nang maipagmamalaki na kahit papaano, may narating ako at hindi ako basura na iniisip ng mga tao sa dati kong iskwelahan.
Ngunit sa kabila ng mga kasiyahang ito’y, lungkot din ang aking nadama. Lungkot dahil hindi nako estudyante, wala nang discount sa jeep o sa bus, wala nakong uniform na kulay gray ang pantalon at polo barong, wala nang checkpoint sa SV gate o saan mang gate sa AdU, wala nang tropang magbibigay sakin ng advice kapag may problema ako sa school, wala nang mga professors na terror na nakakachallenge mag-aral…at higit sa lahat wala na ang mahal ko. Oo, mahal ko. Eto ang pinakaimportanteng bagay sa Buhay Adamsonian ko. Ang makilala siya sa taong 2005. Ngunit may mahal na siyang iba, at kahit ganoo’y ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-ibig ko sa kanya kahit alam kong walang patutunguhan.
Ang Adamson ay isa sa mga “d best” na skul sa ka-Maynilaan. Aminin man natin o hindi, pero marami pa rin ang tumutingin sa ating mga Adamsonista na mababa ang edukasyon. Bakit? Dahil ba karamihan sa ating mga estudyante ay galing sa hirap at tipong akala ng iba ay walang moralidad? Napakasakit isipin na ganun ang turing sa atin. Pero ako… ipinaglaban ko ito. Mali ang mga paratang nila sa mga taga-AdU. Sa opisina namin, marami dyan graduate ng La Salle, UST, etc… pero minsan sa isang dako ng buhay nalamangan ko ang mga ito. Hindi na importante kung saang aspeto pero ang mas importante ay napakita ko sa kanila na iba ako, iba ang galing ng Adamsonian.
Sana sa mga estudyanteng nagaaral sa sintang paaralan na ito ay matutong pahalagahan ang AdU. Oo, maraming sira ulong professors sa atin at tipong ayaw tayong ipasa sa mga subjects natin. Oo, mahirap lalo na kapag enrollment at tipong simul ka pa or overloaded sa units mo… pero pakatatandaan mo classmate, iba ang pakiramdam kapag lumisan ka sa sintang paaralan mo. Pustahan tayo, hahanap-hanapin mo ang maliligayang sandali mo sa eskwelahang ito, kabilang na rin ang mga mala-impyerno mong karanasan sa loob ng apat na taon.
About the author:
mfe_basilio has blogged 1
posts
Write a comment